Thursday , December 26 2024
thief card

Hacking sa BDO hindi ba kayang solusyonan nang mabilisan?

HINDI lang minsan nating naririnig at nababasa ang reklamo ng mga depositor ng BDO na biktima ng hacking sa kanilang banking system.

Sa pagkakataong ito, isang kabulabog natin ang direktang naging biktima ng hacking.

Kung sa ibang tao, baka sabihing maliit lang ang nakuha doon sa kabulabog natin. Pero, iklaro lang natin na hindi rito pinag-uusapan kung malaki o maliit, ang pinag-uusapan.

Ang isyu rito, pinaghirapan kitain ng depositor ang perang iyon at inilagak nila sa BDO dahil kompiyansa sila na naayos na ang kontrobersiyal na isyu ng hacking sa banking system nila.

Pero hindi pa pala.

Ang masaklap nito, kapag nagreklamo ang depositor, ang kaya lang sabihin ng BDO, “Iimbestigahan po and after two weeks, babalikan namin kayo.”

Wattafak!

Hindi man lang mabigyan ng assurance ang depositor na “ibabalik po natin ‘yang nawalang pera sa account ninyo.”

Hindi ba kaya ng BDO na bantayan ang sistema nila? Lalo na ‘yung mga naka-online banking at naka-ATM?! Kadalasan kasi, sila ang nabibiktima ng hacking.

Dapat tandaan ng BDO na kung madalas na nabibiktima ng hacking ang mga depositor, ibig sabihin, mahina ang sistema nila kaya nagiging paborito sila ng hackers.

Kailan kikibo ang BDO, kapag multi-milyones ang nakuha at sila mismo ang biktima?!

Hindi natin alam kung bakit tila ganyan kakampante ang BDO, hindi ba sila concern sa mga clients nila?!

Sana naman ay bilisan ng BDO ang pagresolba sa mga kaso ng hacking.

Kawawa naman ang mga depositor ninyo.

Ay sus! Aksiyon po ang kailangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *