Friday , May 9 2025

Pagkawala ni yorme sumbong dumami

DAHIL wala ang pusa, kaya’t nagkalat ang mga daga! ‘Yan mga ‘igan ang naging usap-usapan sa panandaliang pagkawala ni Yorme Isko Moreno, nang magpunta sa ibang bansa dahil sa isang imbitasyon.

‘Ika nga’y wala si Yorme, kaya’t hayun… nagsulputang parang mga kabute ang mga pasaway at tiwali sa lipunan. Umarangkadang muli ang mga katarantadohan sa Maynila.

Sus grabe mga ‘igan, balik tongpats ang mga hinayupak sa nasabing lungsod. Ayon sa aking ‘pipit na malupit,’ nagbalikan ang ilang pasaway na illegal vendors sa Divisoria, Quiapo at Blumentritt. Aba’y nagbunyi dahil balik ligaya na raw sila! Ganoon ba? Lagot…huwag pahuhuli kay Ka Isko.

Hindi lang ‘yan mga ‘igan, ayon pa rin sa aking ‘pipit na malupit’ maging si Brgy. 15 Zone 2 ng District I Chairman Dabu, aba’y balik-ligaya rin sa kanya umanong illegal terminal! Sa katunayan, nagkakabuhol-buhol na sa trapik partikular d’yan sa Wagas St., dulot umano ng illegal terminal ni Chairman Dabu na nakahambalang sa kanto ng Zaragosa St., corner Delpan St., sus ginoo!

Isama mo pa ang pasaway na bata umano ni bigote (he he he) sa Brgy. 186 Zone 16 District 2, na hanggang ngayon mga ‘igan, bulong ng aking pipit na malupit ay nananatiling  ubod nang dumi at isang katerbang illegal parking at illegal vendors sa nasabing barangay.

Nakalulungkot din isipin mga ‘igan, ang dating malinis sa Manila City Hall, partikular ang harapan ng dating ‘flagpole’ ay pinamumugaran na rin sa ngayon ng illegal vendors at illegal parking, sus ginoo!

Mistulang Divisoria ang Manila City Hall ngayon, lalong-lalo ang ilalim ng LRT Arroceros, sa tapat pa mismo ng dating glagpole! Abay walang sumisita sa mga tarantadong illegal vendors at illegal parking! Kanino kaya humuhugot ng lakas at tapang ng apog ang mga animal?

Marami nang motorista ang nagrereklamo dulot ng buhol-buhol na trapiko pero dedma lang ang kinauukulang ahensiya…sus ginoo!

Paging Yorme, inuulit ng aking pipit na makulit na itong Brgy. 15 Zone 2 Dstrict 1, Tondo, Maynila na pinamumunuan ni Chairman Dabu, aba’y mula nang maupo si Ka Isko Moreno bilang Mayor ng Lungsod ng Maynila, na nagbigay ng kautusan ng “clean-up drive” sa kanilang lugar.

Aba’y deadma ang bata ni Bigote na si Chairman Dabu, kaya hayun patuloy ang katiwalian sa nasabing barangay.

Muli, isa pa sa Brgy. 186 Zone 16 District 2 na si Chairman Maslog, aba’y patuloy na dinideadma ang kautusan ni Yorme Isko Moreno, dahil hanggang ngayon nakatirik pa rin ang illegal vendors at illegal/double parking! Dahil dito’y madalas na hirap makapasok ang truck ng basura sa Dagupan Ext. Ang pangamba ng residente kung magkakasunog sa nasabing lugar hindi makapapasok ang truck ng bombero. Kaya panawagan kay Yorme Isko, pakisulyapan po ang mga nabanggit na lugar.

Patuloy ang pamamayagpag ng mga tiwaling Lingkodbayan. Nawa’y mabigyan ng leksiyon ang mga pasaway.

Yorme Kois, Sir, nasaan na po kayo? Mukhang tinotolongges na rin po kayo ng mga alagad ninyo. Bulong ng aking ‘pipit na malupit,’ wala raw si Mayor Isko, nasa ‘Tate’ kaya buhay-erap na naman umano ang mga animal! ‘Ika nga ng matatanda kapag wala ang pusa naglalaro ang mga daga.

Sus kaya pala balik ilegalidad d’yan sa Maynila kasi wala si Yorme Isko Moreno Domagoso! Ingat lang po pag may time…baka masampolan ka ni Ka Isko.

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *