Saturday , November 23 2024

‘Malasakit’ lang wala munang politika sa programang nakatutulong sa sambayanan

NAGTATAKA naman tayo sa ibang politiko lalo na ‘yung mga mam­babatas na kapag nakabubuti sa mga kababayan natin, lalo ‘yung mahihirap na kababayan na nangangailangan ng tulong, e nanggagalaiti sila sa pagbatikos.

Huwag na tayong lumayo, itong Malasakit Centers na nagkataong pet project ni Senador Bong Go, kahit noong hindi pa siya senador.

Mantakin ninyong akusahan na ginamit ni Bong Go para sa kanyang pangangampanya noong nakaraang eleksiyon?!

Ito namang si Rep. Edcel Lagman, minsan ka rin namang napalapit sa kusina at hindi lang iyong ilong ang naulingan kung hindi talagang nagmantika ang nguso, e bakit ngayon itong kasalukuyang malapit sa kusina na ginagamit na bentaha para makapag­lingkod sa mahihirap nating mga kababayan ‘e iyong pinupukol?!

Ano ba ang masama sa Malasakit Centers na malaking tulong sa mga nangangailagan nating kababayan?!

Gusto mo bang palitan ang pangalan?!

Dapat siguro’t umistambay ka sa mga ospital na malaki ang nagagawa ng Malasakit Center sa mga kababayan nating nangangailangan, bago ka magsalita nang ganyan.

Huwag na sanang politikahin ang mga proyektong nakatutulong.

Bilang mambabatas, ang pangunahing gawain ninyo ay bantayan ang mga inihahaing batas nang sa gayon ay hindi na maulit ang kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA).

‘Yan kaya ang pag-isipan ninyo nang husto nang sa gayon ay hindi na makalusot ang mga ‘pusakal’ na gaya ni Sanchez.

Aba ‘e nagagalit nga ang pamilya ni Sanchez dahil mayroon na raw order na makalalabas na ang kanilang padre de familia pero bakit nabalam pa?!

Salamat sa mga nag-ingay sa social media at sa iba pang porma ng media at naalarma ang mga kinauukulan kaya hindi natuloy ang paglaya ni Sanchez.

‘Yan ang tutukan ninyo Congressman Lagman, huwag ang mga proyektong nak­atutulong sa maliliit nating kababayan.

Tanggapin mo rin ang katotohanan na hindi ninyo panahon ngayon.

Hayaan n’yo namang malasap ng mga kababayan nating mahihirap ang tunay na malasakit.

Tsupi, tsupi muna.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *