SAD naman ang kinahinatnan ng young love team na noo’y binibigyan ng impressive build-up ng studio na kanilang kinabibilangan.
In a way, hindi naman natin mabi-blame ang movie outfit kung medyo tinigil na nila ang pagbibigay ng pelikula sa magka-love team.
After all, movie-making is a business and you can’t afford to be that charitable if there is no ROI (return of investment).
Ilang pelikula rin naman kasi ang nai-produce ng kanilang mother studio but the outcome was basically nerve-shattering and infinitely disappointing from the box-office gross point of view.
Binigyan ng thorough build-up ng movie outfit ang dalawang ‘lovebirds’ but the fans just won’t bite.
Kaya lately, ‘bagoong’ na muna ang magka-love team at nasa ‘freezer’ ang kanilang career.
Ito ngang gwaping na lalaki ay binigyan naman ng bit role sa movie ng isang hot property nilang babae pero ni hindi man lang siya nabigyan ng dialog and all throughout the movie, isang linya lang yata ang kanyang nasabi.
To make it double traumatic, he was not properly billed.
How sad!
Que pobrecito!
But then, ang latest, binigyan naman sila ng series sa hindi mainstream na network ng kanilang movie outfit.
At least, binigyan pa rin ng series kahit na hindi mainstream chorva. Hahahahahahahaha!
Umaasa pa rin siguro silang makababawi pa rin ang love team kaya binibigyan pa rin ng project.
How charitable can you get! Hahahahahahahaha!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.