MASKI anong pilit kay Neil Arce, isa sa producer ng I’m Ellenya L tungkol sa petsa ng kasal nila ni Angel Locsin ay nakatikom ang bibig nito. ”I’m not going to divulge any information kasi baka mapagalitan ako pag-uwi (ko),” ito ang nakangiting sagot ng fiancé ni The General’s Daughter.
Hanggang sa masolo na si Neil pagkatapos ng presscon ng pelikula nina Inigo Pascual at Maris Racal ay nagsabi pa ring, ”tungkol lang po sa ‘Ellenya’ ang tanong ha, walang segue-segue.”
Ano ang panlaban ng I’m Ellenya L sa Pista ng Pelikulang Pilipino? ”Ang panlaban, technically sa age kasi considered kaming milenyals, ‘di ba? Medyo iba rin kasi kung paano kami pinalaki ng age namin ngayon na 30’s towards the 20 to 25 year old.
“Lumaki kaming walang social media, so you have to find the right connections, educations ganito, ganyan para mag-survive. May theory kasi ako na ang tinitiningnan lang ngayon ay ‘yung success story niyong taong ‘yun, hindi nila tinitingnan ‘yung mga hirap ng mga taong nasa paligid. Hindi naman kasi lahat success story. Tingnan mo rin ‘yung 90% failed.”
Tinanong kung sino ang dream na gustong i-produce ni Neil, ”dati noong magkaibigan palang kami gusto kong i-produce si Angel, pero ngayong kami na, as much as possible, ayaw kong pag-usapan ang trabaho kapag magkasama kami, may ganoon. I wanna be with the person na personal basis, pero deep inside of me, gusto kong i-produce pero mahirap kasi ‘pag puro trabaho ang pag-usapan, pareho kaming intense.”
Ang I’m Ellenya L ay kasama sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood nationwide simula sa Setyembre 13 handog ng Spring Films at N2 Productions.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan