NANG makachikahan namin si Rosanna Roces via chat, ay agad naming inurirat kung kumusta ang attitude ngayon ni Bea Alonzo sa set ng pinagbibidahang movie with Richard Gutierrez and Angelica Panganiban?
Maayos naman daw si Bea na chill lang sa trabaho at nakikipagkuwentohan sa kanila. Si Rosanna kasi ang gumaganap na mother ni Bea sa movie kaya’t madalas silang magkaeksena ng controversial actress.
Samantala, isang verse sa Bible ang isinagot ni Bea, sa maaanghang na salita na binitiwan laban sa kanya ni Mommy Vangie, na ayaw sa kanya para sa anak na si Gerald Anderson. Galit ang nanay ni Gerald kay Bea, dahil pinalaki umano ang isyu. Samantala noong maghiwalay sila ni Zanjoe Marudo ay hindi naman daw siniraan ng actress si Zanjoe.
Well magkaiba naman ng case o sitwasyon ng hiwalayan pero sarado nga ang isip ni Mrs. Vangie, at siyempre ipagtatanggol niya ang kanyang panganay na si Gie.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma