Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P30-M on-the-spot areglo pabor sa illegal POGO workers hambalos sa ulo ni BI Commissioner Jaime Morente

QUOTA to the max daw ang isang ‘raiding team’ na sumalakay sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa south Metro Manila na sa palagay natin ay may lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Supposedly ay monitoring lang daw dapat ang gagawin ng ‘team’ pero nang matuklasang halos 50 porsiyento ng nagtatrabahong Chinese nationals sa nasabing POGO ay walang special working permit (SWP) bigla silang nag-transform bilang raiding team.

‘Yan ay dahil kalahati ng ‘workforce’ ng nasabing POGO ay illegal na nagtatrabaho sa bansa. Kaya normal daw na maging mas ‘mahigpit’ kasi may tendency na ‘magpulasan’ ang mga Tsekwa na walang SWPs.

Habang isa-isang binubusisi ang mga papeles ng Chinese nationals, mukhang nakapag-call a friend umano sa isang ‘padrino’ ang operator ng POGO.

Kaya medyo ‘lumamig’ daw ang sitwasyon pero nanatiling mahigpit na nakabantay ang mga miyembrong operatiba ng ‘raiding team.’

Lumuwag-luwag umano ang negosasyon nang medyo nagsasara na ang usapan ng operator at ng ‘padrino.’ Una umanong deklarasyon ng operator ay P25 milyones pero hindi nagsara ang usapan.

Sa huli, parang lastikong hinigit sa P30 milyones ang hirit kaya hayun, nagkasundo rin sila.

Ibig sabihin, hindi bababa sa kalahati ng 100 POGO workers ang pinag-uusapang walang SWPs. ‘E mantakin ninyong tapatan ng P30 milyones?!

In the end, tila mga kabayong sinalpakan ng tapa ojo ang mga mata ng raiding team kaya hayun, “back to work” ang illegal POGO workers.

Hindi kaya naramdaman ni Immigration Commissioner Jaime bukol ‘este “Bong” Morente ang malakas na hambalos ng ‘pambubukol’ sa kanyang ulo?!

Ayon sa insider na nakaaalam sa nasabing insidente, isang malaking eskandalo na naman ang nakatakdang ‘sumabog’ diyan sa Bureau of Immigration (BI).

Naku, ayaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra nang ganyan…

Handa ka na ba Commissioner Morente? Game ka na ba? Are you in it to win it?

O baka naman just a minute or wait a minute, at tiyak na sasabog na ang bulkan?!

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …