Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Dug-Youth ‘este Duterte Youth party-list ‘nominee’ inilampaso ni Comm. Guanzon

BIGLA tayong ‘naawa’ (as in nakaaawa talaga) kay Duterte Youth chairman Ronald Cardema.

Napanood natin ang interview ni Atom Araullo kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

Nagsimula ito nang ipangalandakan ni Cardema na ‘sinuhulan’ niya ng P2 milyon si Guanzon pero hindi pa rin inaprobahan ang kanyang nomination bilang representative ng Duterte Youth party-list at siya ay ini-disqualify.

Kasunod nito, nagbanta si Cardema na maghahain siya ng impeach­ment complaint laban sa babaeng komisyoner ng Comelec.

Ngayon, tila biglang binaliktad ni Commissioner ang mesa laban kay Cardema dahil nagalit ang kanyang tatay nang mabalitaang ‘sinuhulan’ umano siya ng P2 milyon.

“My God, what is two million?!”

‘Yan daw ang sabi ng tatay ni Guanzon.

Kaya ngayon, naghahanda ang pamilya ng komisyoner ng patong-patong na kaso ng libel at cyber-libel laban kay Cardema dahil sa paninirang puri hindi lamang kay Guanzon kundi sa kanilang buong pamilya.

Masyado nga namang ‘nanliit’ si Commis­sioner Guanzon dahil pinagmukha siyang ‘pulubi’ ni Cardema sa halagang P2 milyon.

“Hindi mo man lang ginawang P200 million, baka tinanggap ko pa, hahaha!” patusada ni Guanzon kay Cardema.

Pero ang higit na ikinaiirita ng Comelec Commissioner ay ‘yung tinatawag niyang ‘ganid’ o ‘greedy’ kasi si Cardema.

Sabi niya, kung hinid nga ganid si Cardema, e ‘di congresswoman na ang kanyang asawa na noong mag-apply bilang Duterte Youth nominee ay 29 years old lang.

E mantakin n’yo nga naman, nasa National Youth Commission na siya pero hinangad pa niyang maging party-list representative gayong overage na siya — 34 years old na malayo sa limitasyong 30 years old.

Pangalawa, gusto niyang maging mambabatas pero hindi man lang niya inuunawa ang mga batas at proseso sa Comelec.

Mukhang ginagamit pa umanong ‘leverage’ ang pagiging malapit niya sa Palasyo.

Sabi pa ni Guanzon, “isang taong gulang ka pa lang, mayor na ako ng war lord city.”

At, “Grade one pa lang ako, naka-Mercedes Benz na ako papasok sa Cadiz West Elementary School.”

Hinamon din ni Guanzon si Cardema na bilisan ang paghahain ng impeachment at ilantad ang mga sinasabi niyang kausap niya para bigyan siya ng P2 milyon nang sa gayon ay malantad sa publiko ang katotohanan.

Pero ang isa pang classic na sinabi ni Com­missioner Guanzon, ang tanging ‘credential’ ni Cardema ay magbuo ng isang anti-communist organization at mangalap ng pondo para rito.

Arayku!

Heto pa, puwede ba raw silang magkabati ni  Cardema?

“Paano kaming magkakabati e hindi ko naman siya kilala?!”

Ano raw ang puwedeng gawin ni Cardema para makapag-sorry sa kanya?

“Huwag siyang magpapakita sa akin, baka suntukin ko siya. Hahaha!”

Sa kabila ng mga sagot na ito ni Guanzon, sinabi rin niya nag-aalala siya kaligtasan niya at ng buong pamilya.

Katunayan nga raw ay bumili siya ng bagong baril.

Anyway, mabibigat na ang palitan ng akusasyon ng magkabilang panig.

Kung ang isang Cardema ay naghihingi ng simpatiya dahil pakiramdam niya ay ‘biktima’ siya, narito naman si Guanzon na tila isang natutulog na leon na biglang naalimpungtan dahil sa ‘bato’ mula sa isang tirador na tumama sa kanyang ulo at umistorbo sa kanyang pananahimik.

Kung sinasabi ni Cardema na kahit hindi siya makaupo ay hindi niya tatantanan si Guanzon.

Sinabi naman ni Guanzon na hindi talaga makauupo si Cardema at kumuha na siya ng magaling na abogado dahil mamumulubi siya sa mga asuntong ihahain laban sa kanya.

Heto siguro ang magiging laban ng taon. ‘Yun bang hindi pa nag-uumpisa ang boksing, mainit na mainit na ang laban.

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *