SA Child Haus kami nanunuluyan habang ginagamot. Ang Child Haus ay ipinatayo ni Mother Ricky Reyes with the kind heart of Philantropist Mr. Henry Sy at ng pamilya niya. Kaya 10 times kaming sumasaludo kay Mother Ricky at pamilyang Sy. Pagpalain sila ng Diyos.
Gusto ni Mother Ricky na makatulong sa mga maysakit at nakilala niya ang pamilya Sy na nag-donate ng 10 hectares na lupain na pinatayuan ng isang mataas na building na pinangalanang CHILD HAUS na nagsisilbing tuluyan ng mga may cancer at mula sa mga pamilyang mahihirap na walang kakayahang magbayad o magpa-ospital.
Kompleto sa mga gamit, mga magagandang higaan ng mga pasyente at mababait ang kanilang mga bantay, klmpleto sa pagkain, almusal, tanghalian, meryenda, at hapunan.
In return, tumutulong ang mga bantay ng pasyente sa mga gawain sa loob ng Child Haus tulad ng paglilinis, pagluluto, pagpe-prepare ng pangangailangan ng bawat pasyente sa araw araw.
Dahil kay Erlinda Rapadas (kapwa ko manunulat) kaya ako nasa Child Haus. Siya ang tumawag at kumausap kay Mother Ricky ukol sa aking kalagayan, kung kaya naman inimbita kami ni Mother na roon na manuluyan habang tuloy ang treatment sa akin ng mga doctor sa PGH.
Maraming surprises si Mother Ricky nang dumating ako sa Child Haus, cry ako ng cry. Kasi ang mga entertainment press na very close sa akin ang sumalubong, bukod sa isang misa ng dalawang pari, nandoon sina Ethel Ramos, Ricky Lo, Aster Amoyo, Virgie Balatico, Veronica Samio, Luz Candaba, Erlinda. Ang laking tulong sa akin ni Linda, God Bless you all!
SALAMAT at bahala na si Lord Jesus, gabay de Nazareno sa lahat ng tumulong sa akin—prayers and kinds and datung.
Salamat din kina Boots Anson Roa and King Rodrigo na may lakip na get well soon message. Marian-GMA7, Cong. Dan Fernandez, Sen. Bong Go, Bayani Agbayani,Robin Padilla, Phillip Salvador, Salve Asis, Rodel Fernandez, Mico, Sandy ES Mariano.(PAR-PCI) President, Leony Garcia, Cristy Fermin, Wendell, Willy Revillame Wowowin, Lolit Solis, Sen. Bong Revilla, Mayor Lani Mercado, Revilla of Bacoor and Family Ramen, Coquia, Joey Coquia, Mr. Wang, Mr. Hans and Henry Sy, PGH doctors, Child Haus staff, Emy, Daydee and employees, Sir Jerry Yap ng Hataw and Maricris Nicasio, my editor.
Neighbors—Ruth, Nori, Neri, Brenda, Sunshine, Norma Coquia, Lani, Bob and Jim Estrabella. Abot langit na pasasalamat, Rameng, Sunshine, Ate Norma and Norman.
NO PROBLEM DAW
ni Letty G. Celi