Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

12-anyos gustong ipakulong pusakal na rapist at mamamatay tao gustong palayain

KAILAN lang ay naging mainit na isyu ang pagpapababa ng criminal liability ng mga kabataan sa 9-anyos mula sa dating 15-anyos.

Para raw matakot ang mga magulang ng mga menor de edad na bata  at ‘yung mga bata mismo ay hindi magpagamit sa sindikato ng droga.

Marami rin ang nagagalit sa mga ‘batang-hamog’ na kumalat sa social media ang pananakit sa isang matanda at sa mga pasahero ng jeepney na kanilang inaakyat.

Kaya marami sa ating mga kababayan ang medyo nakombinsi na ibaba na nga ang edad ng criminal liability.

Pero siyempre, nagsalita ang Pangulong Duterte, grabe naman daw ‘yung 9-anyos, kaya ginawang 12-anyos.

Arayku!

Hanggang ngayon, maraming online petitions na tumututol na pababain ang edad ng criminal liability kasi hindi naman talaga deterrent ‘yun para mailayo sa masamang gawain ang mga kabataan.

Kailangan talaga riyan ng komprehensibong programa na pagtutulungan ng pamilya, ahensiya o institusyon ng gobyerno na nakatutok dapat sa mga kabataan.

Medyo natigil ang init ng isyu sa pagpapakulong ng mga batang 12-anyos. Kumbaga, pumayapa sandali…

E biglang pumutok ang isyu ng pagpapalaya kay Calauan Mayor Antonio Sanchez, hayun nabuhay na naman ang isyu ng mga kabataang natokhang sa ngalan ng drug war at ng mga batang maagang nawawalay sa piling ng magulang na palaboy na sa kalsada bitbit ang plastic na may lamang rugby.

Kaya nga ang naging opinyon, bakit ‘yung mga batang kung tutuusin ay ‘napabayaan ng lipunan’ gustong ipakulong pero ang pusakal na rapist-slayer ay gustong gawaran ng parole?!

Mantakin nga naman ninyo, 7 counts ng rape-slay na reclusion perpetua, tapos 26 years pa lang na­ku­kulong e bibig­yan na ng parole?!

Alam ba nin­yong ang isang reclusion per­petua ay katum­bas ng 40 taon pagkakakulong?

Ang rason pa ng pagpapalaya, in good behaviour na raw si Sanchez?

Wattafak!

Kailan pa?

E hindi ba’t nakuhaan pa ng droga ‘yan at gina­mit pa ang ima­hen ng Birheng Maria?!

Bukod diyan, super VIP pa sa Bilibid ‘yan. E bakit gusto pang makalaya?!

Tsk tsk tsk…

BuCor chief Nick Faeldon Sir, huwag na huwag kayong papayag na makalaya ‘yan si Sanchez nang hindi napag­sisil­bihan nang tama ang kanyang ka­sa­lanan.

Saka puwede ba, ‘durugin’ na ninyo ang style VIP diyan sa Bilibid?!

Sabi nga ng netizens… “In good behaviour si Sanchez? Tell it to the Marines!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *