Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LGBT commission ‘niluluto’ ni Duterte

SINABI ni Senador Christopher “Bong” Go na posibleng maglabas ng executive order ang Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayon na magtatag ng LGBT Commission habang hindi pa naipapasa ang panu­kalang Sogie bill o anti-discri­mination bill.

Sinabi ni Go, nag­pahayag ng suporta ang pangulo sa naturang panukalang batas na inaasahang maisasabatas bago matapos ang kan­yang termino.

Inamin ni Go na nagtungo nitong naka­raang Sabado sa palasyo ng Malacañang ang kontrobersiyal na trans­gender woman na si Gretchen Diez kasama ang ilang miyembro ng LGBT na hinarap ni Pangulong Duterte at nagpahayag ng suporta ang pangulo sa LGBT community.

Bukod dito, sinabi ni Go na nais rin mag­karoon ng LGBT con­vention para malaman ang pulso ng mga mi­yem­bro para sa pag­babalangkas ng panu­kalang Sogie bill na inihain sa dalawang ka­pulungan ng kongreso.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …