Friday , May 16 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LTO officials/employees super-galante sa gadgets at loads pero makupad pa sa pagong kung magtrabaho

IBANG klase pala sa pagiging galante ang tanggapan ni Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante.

Mismong ang Commission on Audit (COA) ay napuna ang grabeng kaluhuan sa paggamit ng gadgets at paglo-load ng mga opisyal at empleyado ng LTO na umabot sa milyon-milyon ang halagang ginastos mula sa taxpayers money.

Idineklara ng COA na ang nagastos ng LTO officials and employees sa Region IV-A at sa National Capital Region (NCR) ay “unnecessary and excessive.”

Ibig sabihin hindi naman talaga kailangan.

Ganyan ba kagalante si Galvante sa sarili niya at sa malalapit na opisyal niya?!

Sa 2018 annual audit report ng Department of Transportation, ang mother agency ng LTO, naobserbahan ng COA na ang gadgets at postpaid cellphone units ay personal na nakapangalan sa mga opisyal at empleyado.

Noong 2015 hanggang 2017, gumastos ang LTO-NCR ng P2,672,830 sa pagbili ng mamahaling cellular phones, habang ang LTO-Region IV-A ay gumastos ng P660,769.92 para sa postpaid mobile cellular phone units.

Idineklara rin ng COA na labis-labis ang monthly cell card benefit na nagkakahalaga ng P649,868.64 at ito umano ay irregular dahil hindi aprobado ng Civil Service Commission-NCR sa ilalim ng LTO incentive program.

Sa LTO-NCR, ang gadgets na inisyu noong 2015 ay 24 iPhone 6 plus 128 gigabytes na P1.317 milyones ang halaga; anim na iPhone 6 plus 128 gigabytes worth P159,740 ang binili noong 2016; anim na iPhone 6 plus 128 gigabytes worth P263,940, limang iPhone 7, 128 gigabytes worth P219,950, at 22 iPad mini 3, 64 gigabytes worth P611,600 noong 2017.

Ang LTO IV-A ay bumili ng 46 various gadgets worth P660,769.92 noong 2018.

Wattafak!

Ganyan ba talaga kagalante ang LTO?!

E bakit barado pa rin ang komunikasyon sa inyo ng tao?!

Ang lakas magsigastos pero ang kukupal ‘este  ang kukupad umaksiyon, mas makupad pa sa pagong?!

Gaano karami ang backlogs ng LTO?! Binilang kaya iyon ng COA?!

Alam din kaya ng COA na maraming pakulo ang LTO pero hanggang ngayon malaki pa rin ang backlog nila sa pag-iisyu ng mga lisensiya na inabot na nga ng implementasyon ng National ID System?!

Ilang taon bang resibo lang ang hawak na lisensiya ng mga nag-apply ng driver’s license?!

Ay sus!

Magdududa pa ba tayo kung maraming kasabwat ang LTO sa Recto?!

LTO chief Edgar Galvante Sir, mahirap na ba talagang mahiya ngayon sa mga taxpayers?!

Konting hiya naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at …

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *