Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Yorme Isko Moreno the New Millennial Manila Chief Executive

LAST weekend, I had a chance to meet the new millennial chief executive of Manila — no other than Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Alam nating wala na sa bracket ng mga millennial si Yorme pero they think alike. Alam naman ninyo ang katangian ng mga millennial, walang kapaguran, maaasahan sa multi-tasking at nag-uumapaw ang mga ideya sa kanilang itak.

Isang karangalan na makasalo natin sa isang tanghalian si Yorme Isko pero higit pa ang makahuntahan siya sa loob nang tatlong oras.

Ang masasabi natin ay no dull moments.

Kitang-kita na nag-uumapaw sa isip ng mayor na tinaguriang “The New Millennial Manila Chief Executive.”

Natuwa tayo sa unang ibinalita ni Yorme, na tinaasan na niya ang suweldo ng daycare workers and teachers na dati ay P7,000 kada buwan ngayon ay P9,000 na.

Sa wakas, narinig din ang daing ng daycare workers. Kung hindi pa naluklok si Yorme Isko, malamang kasama na rin nabaon sa ‘bundok ng kalimot’ ang kanilang mga hinaing.

Bukod sa paglilinis sa buong lungsod ng Maynila, isa ito sa dapat ipagpasalamat ng mga Manileño kay Mayor Isko.

Inilinaw din ni Yorme Isko na no. 1 sa kanyang listahan ang pagpapanatili ng “peace and order” sa Maynila.

No drugs, no obstruction, at higit sa lahat walang holdapan at nakawan.

Naitanong nga natin kay Yorme hindi ba siya napapagod?

E kasi ba naman, mula noong pormal na pag-upo niya bilang Mayor, araw-araw niyang ginugulat hindi lang ang mga Filipino kundi maging ang ibang bansa.

Bawat araw, may bagong nagagawa si Mayor Isko para sa ganap na pagsasaayos ng Maynila tungo sa makabuluhang pagbabago.

Sabi nga niya, ‘yan daw ay resulta ng kanyang 21-taong panggigigil. Ibig sabihin noong konsehal pa lang siya ay pinangarap na niyang maging alkalde, kasi nga naman mas malawak ang saklaw nitong kapangyarihan  kaya mas madali para sa kanya na magpatupad ng mga pagbabagong nais niyang isusulong.

Ibig sabihin, noong araw pa ay klaro ang bisyon ni Mayor Isko para sa Maynila.

Inilinaw din ni Yorme Isko na wala siyang planong ibenta ang Rizal Memorial Sports Complex o ang dating Rizal Memorial Stadium.

Hindi niya pababayaang maubos pa ang propriedad ng lungsod ng Maynila.

Sa kaso ng Harrison Plaza, naibenta na ito pag-upo niya bilang alkalde. Ang titiyakin niya na lang dito ay makuha ng Maynila ang makatuwirang “share” mula sa bagong developer.

Maging ang reclamation ay hindi umano prayoridad ni Yorme Isko. Kung mayroon mang aprobado na sa national government, hihintayin niyang mag-comply sila sa itinatakdang rekesitos at kapag kompleto na ang kanilang papeles, saka niya pag-aaralan at dedesisyonan.

Huwag din umanong paniwalaan ang mga tsismis na tatakbo siyang presidente dahil hindi naman siya handa.

Sabi nga niya, kapag tinanong ako tungkol sa China at Bangsa Moro, ano ang alam ko?

Sabi ni Yorme, “Kung LGU ang pag-uusapan natin, kahit tulog ako, kabisado ko ‘yan.”

Wala na tayong masabi Yorme kundi, ikaw na talaga!

Kaya hindi maikakaila, happy kami, dahil ikaw ang nagwagi Yorme Isko!

Suportado ‘ta ka Mayor Isko!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *