Wednesday , May 14 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Suspensiyon ni PAO chief Persida Acosta hiniling sa Ombudsman

NALUNGKOT ang inyong lingkod sa kinahinatnan ng ‘tapat at giting’ na ipinakita nina Public Attorney’s Office (PA) chief, Atty. Persida Acosta at ang kanyang forensics chief na si Erwin Erfe sa pagbubunyag ng anila’y iregularidad sa likod ng Dengvaxia.

Isang grupo ng mga abogado na nasa tanggapan ng PAO ang naghain ng reklamo at hiniling na isailalim sa suspensiyon ang kanilang hepe dahil sa irregular na paggamit ng pondo.

Sa liham ng mga abogadong hindi nagpakilala, inaakusahan nila sina Acosta at Erfe na may ‘siyentipikong sabwatan’ sa disbursement ng budget ng pondo ng PAO.

Bukod umano sa pagbubuo ng PAO Forensic Laboratory nang walang pahintulot sa Kongreso, ginamit din umano nina Acosta at Erfe ang pondo para sa pagpapagawa ng t-shirt, tarpaulin at iba pang kailangan nila sa kampanya laban sa Dengvaxia.

Bago ito, magugunitang inakusahan ng isang Wilfredo Garrido Jr., ng graft practices si Acosta.

Ayon kay Garrido, sina Acosta at Erfe, ay inakusahan din niyang may falsification of public documents, malversation of public funds, illegal use of public funds or property, ganoon din ng grave misconduct, serious dishonesty, grave abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of public service.

Inakusahan din si Acosta na naglagay ng mga loyal staffers niya sa finance service.

Arayku! Mabigat na akusasyon ‘yan.

Pero siyempre, mahirap pa rin munang magtiwala sa mga nag-aakusa lalo na’t hindi nila inilalantad ang kanilang mga mukha at pangalan.

Dahil sa mga akusasyong ‘yan mukhang kailangan mag-leave muna si Atty. Acosta nang sa gayon ay mapaghandaan niya ang kanyang laban.

Kaya nga ngayong nagbago na naman ang panahon, palagay natin ay may pangangai­langan na laging handa si Atty. Acosta lalo’t muli siyang haharap sa Ombudsman.

Pansamantala, iminumungkahi nating unahan na niya ng pagle-leave ang planong pagpapasibak sa kanya.

Sa totoo lang, mga abogado naman sila pareho at alam nila kung paano sila magbabak­bakan nang ‘maginoo.’

Good luck, Madam Persida!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *