Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LGBT+ hindi dapat katakutan at pandirihan kapwa-tao po sila

DESMAYADO tayo pero naawa rin sa ginawa ng isang security guard at ng mga pulis sa isang transgender woman na biktima ng ignoransiya sa batas at karapatan ng ating kapwa.

Hindi naman kaila na trending na sa social media ang naganap na diskriminasyon sa paggamit ng comfort room sa isang mall sa Araneta Complex, Cubao Quezon City, ng isang transgender woman.

Dahil alam ng transgender woman na pinapayagan ang gaya nila sa female CR siyempre doon sana siya papasok.

Pero hindi lang siya pinagsalitaan ng sangkot na babaeng security guard kundi hinila, binaltak sa buhok at higit sa lahat pinosasan pa saka dinala sa police station.

Pagdating sa police station, hindi pa agad tinanggal ang kanyang posas dahil nawawala umano ang susi.

Hindi kaya naisip ng mga gumawa niyan sa transgender woman na grabeng paglabag sa karapatang pantao ang kanilang ginawa?

Niyurak-yurakan nila ang dangal no’ng tao.

Unang-una hindi naman hardened criminal ang transgender woman, nagkataon lang na ignorante sa umiiral na city ordinance ang management ng establisimiyento at ang security guard.

Kaya hayon, parang kriminal na sinakote at pinosasan ang LGBT+ member.

Nang mahimasmasan ang babaeng security guard, siya mismo ay hinimatay sa kanyang ginawa. Habang ang biktimang transgender woman, nakapababa ng loob na nagsabing, ayaw naman niyang matanggal sa trabaho ang babaeng sekyu dahil kitang-kita naman umano na ang may kakulangan ay management.

Maging si Mayor Joy Belmonte ay nagsabing, may paglabag ang management ng mall dahil walang nakapaskil sa kanilang comfort rooms ng kopya ng ordinansa na ang transgender people ay maaaring gumamit ng CR, sa gender na pinili nila.

Hindi ba lohikal na ang transgender woman na nakabestida ay sa CR ng babae pumasok at hindi a CR ng mga lalaki?!

At ganoon din naman siguro ang mga transgender man or men.                     

Pero ang dapat na maging aral sa insidenteng ito, dapat tandaan na hindi hardened criminals ang LGBT+ members kung wastong paggamit ng CR ang magiging isyu ng usapan.

Buti na lang, hindi ‘nanlaban’ ang transgender woman, dahil kung ganoon ang nangyari e baka pinaglalamayan na siya ngayon…

Arayku!

 

ANTI-RED TAPE
NG PACC DAPAT
MAGPOKUS SA LTFRB

SANA naman ay mapaabot nang mas maaga ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pinamumunuan ni Commissioner Greco Belgica ang kampanyang anti-red tape sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Mas marami kasi ang matutuwa kung sa panahong ito ay maibuyangyang na sa publiko ang grabeng korupsiyon at hindi maipaliwanag na red tape sa LTFRB kahit ipinagmamalaki ni Atty. Martin Delgra III na siya ay pinagka­katiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at siya ay mula rin sa Davao.

Baka hindi naiintindihan ni Delgra na pre-qualification lang ‘yun. Mas gusto pa rin ng Pangulo na bukod sa kababayan ka niya ay sumu­sunod ka rin sa mga utos at alituntunin niya.

At higit sa lahat, naayos mo ang ahensiyang ipinagkatiwala sa iyo.

Naiintindihan po ba ninyo, Atty. Delgra?!

Sana naman, tablan ka na at ayusin mo na ang LTFRB. Pero kung hindi mo kayang ayusin, dapat alam mo na rin kung ano ang susunod mong gawin.

What magre-resign kayo?!

Wee, hindi nga?!

Yeheeey!

               

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *