Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

San Miguel, TnT unahan sa game 5

WALANG ibang nasa kukote ng TNT KaTropa at San Miguel Beer kundi makuha ang panalo sa Game 5 upang mamuro sa pagsilo ng titulo sa PBA Commissioner’s Cup.

Tabla sa 2-2 ang best-of-seven finals sa pagitan ng KaTropa at Beermen, maghaharap sila ngayong Miyerkoles bandang  alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Pinagulong ng San Miguel Beer ang TNT KaTropa 106-101 sa Game 4 noong Linggo matapos kumayod ni import Chris Mccullough ng 27 points at 22 rebounds para sa Beermen.

Humarurot agad ang Beermen sa first quarter, lumamang sila ng siyam na puntos, 31-22.

Pero uminit ang open­sa ng KaTropa sa second quarter, naagaw nila ang abante, 52-51 sa halftime.

Hindi naman basta bumigay ang San Miguel sa third, pinalakas nila ang kanilang opensa at depen­sa upang mabawi ang bentahe, 82-69 papa­sok ng fourth period.

Umabot sa 15 puntos ang nilamang ng Beermen subalit unti-unting huma­bol ang KaTropa sa pangu­nguna nina reinforcement Terrence Jones at locals Troy Rosario at Jayson Castro.

Subalit naging mata­tag ang San Miguel sa payoff period para maku­ha nila ang importanteng panalo.

Tumipa si Alex Ca­bag­not ng 25 markers habang nag-ambag si five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo ng 22 puntos at pitong rebounds.

Namuno sa opensa para sa TNT si Jones na may 32 puntos. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …