PINUNA ni Senator Grace Poe ang hindi pagsipot ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa pagdinig ng senado kaugnay sa traffic sa EDSA.
Sinabi ni Poe, nagpasabi si Lim na dadalo siya sa pagdinig ng kaniyang komite pero hindi sumipot.
Ani Poe, napapaisip tuloy siya kung talaga bang seryoso si Lim na matugunan ang problema sa traffic sa Metro Manila partikular sa EDSA.
Katuwiran ni MMDA General Manager Jojo Garcia, kasama nila kahapon ng umaga si Lim pero kinailangan lumiban sa pagdinig dahil may pupuntahang MOA signing.
Tila hindi tinanggap ni Poe ang paliwanag.
Ayon kay Poe, madali naman pumirma o dumalo sa MOA signing at maaari pa rin sumipot sa pagdinig si Lim pagkatapos nito.
(CYNTHIA MARTIN)