Thursday , December 26 2024
party-list congress kamara

Party list law nais ibalik ng Makabayan Bloc sa orihinal na layunin

SANA’Y magtagumpay ang Makabayan Bloc sa kanilang isinusulong na pagbabalik ng party-list system sa orihinal na layunin nito na kinakatawan ang marginalized at maliliit na mamamayan sa Kongreso at hindi gaya ngayon na ‘nakapasok’ ang miyembro ng political dynasties habang ang iba naman ay malalaking negosyante at burgesya komprador.       

Sa inihaing panukala sa House of Representatives, layunin ng Makabayan bloc na ang party list system ay maging ekslusibo sa mga partido o grupo ng mga mamamayan na hindi inaabot ng serbisyo ng pamahalaan ganoon din ng iba’t ibang programa ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Magugunitang, anim na taon na ang nakararaan nang magdesisyon ang Supreme Court na ang party list groups ay hindi lamang para sa marginalized sectors.

“There is an urgent need to restore the party list system to its original purpose, which is to give the marginalized sectors representation and voice in Congress,” pahayag ng mga progresibong mambabatas mula sa Makabayan Bloc.

Sa pamamagitan ng House Bill No. 242, iminungkahi ng Makabayan bloc na ang party list system ay ipreserba para sa “marginalized at underrepresented sectors” batay sa isinasaad ng mga kondisyon at tuntunin sa akreditasyon ng party-list groups at sa pagpili ng kanilang mga nominees.

Ang nasabing bill ay mag-aamyenda sa Republic Act No. 7941, o Party List System Act of 1995.

Sa ilalim ng eligibility requirement, kailangan umanong patunayan ng isang grupo na nag-a-apply sa  party list system sa isang public hearing na tunay nilang kinakatawan ang marginalized o underrepresented sector.

Ganoon din naman sa bahagi ng nominees na kailangan magpakita ng ebidensiya na sila ay kabilang sa sector na nais nilang katawanin.

Sa ilalim pa rin ng panukala, ididiskalipika ang party list nominees na gumanap na sa public office o kaanak ng isang incumbent government officials, o ang kita ay higit sa batayang kita ng isang mambabatas sa panahon ng eleksiyon.

Kabilang sa Makabayan bloc na nagpasa ng panukala sina Representatives Ferdinand Gaite, Carlos Isagani Zarate, Eufemia Cullamat ng Bayan Muna, Arlene Brosas ng Gabriela, France Castro ng ACT Teachers, at Sarah Elago ng Kabataan.

Anila, nais nilang iwasto ang ‘pinsala’ sa layunin ng pagkakabuo ng party list system dahil sa desisyon g Supreme Court noong 2013, na anila’y nagbukas ng ‘floodgates’ para sa elitista na lumahok sa nasabing sistema.

Oo nga naman, katunayan, ang sinasabing pinakamayaman na mambabatas ngayon sa kamara ay walang iba kundi ang port tycoon na si 1-Pacman Party-list Rep, MIkey Romero.

Bukod doon, 25 party list groups ang nakapag-upo ng kanilang nominees na dating mamababatas o local officials.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *