Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Party list law nais ibalik ng Makabayan Bloc sa orihinal na layunin

SANA’Y magtagumpay ang Makabayan Bloc sa kanilang isinusulong na pagbabalik ng party-list system sa orihinal na layunin nito na kinakatawan ang marginalized at maliliit na mamamayan sa Kongreso at hindi gaya ngayon na ‘nakapasok’ ang miyembro ng political dynasties habang ang iba naman ay malalaking negosyante at burgesya komprador.       

Sa inihaing panukala sa House of Representatives, layunin ng Makabayan bloc na ang party list system ay maging ekslusibo sa mga partido o grupo ng mga mamamayan na hindi inaabot ng serbisyo ng pamahalaan ganoon din ng iba’t ibang programa ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Magugunitang, anim na taon na ang nakararaan nang magdesisyon ang Supreme Court na ang party list groups ay hindi lamang para sa marginalized sectors.

“There is an urgent need to restore the party list system to its original purpose, which is to give the marginalized sectors representation and voice in Congress,” pahayag ng mga progresibong mambabatas mula sa Makabayan Bloc.

Sa pamamagitan ng House Bill No. 242, iminungkahi ng Makabayan bloc na ang party list system ay ipreserba para sa “marginalized at underrepresented sectors” batay sa isinasaad ng mga kondisyon at tuntunin sa akreditasyon ng party-list groups at sa pagpili ng kanilang mga nominees.

Ang nasabing bill ay mag-aamyenda sa Republic Act No. 7941, o Party List System Act of 1995.

Sa ilalim ng eligibility requirement, kailangan umanong patunayan ng isang grupo na nag-a-apply sa  party list system sa isang public hearing na tunay nilang kinakatawan ang marginalized o underrepresented sector.

Ganoon din naman sa bahagi ng nominees na kailangan magpakita ng ebidensiya na sila ay kabilang sa sector na nais nilang katawanin.

Sa ilalim pa rin ng panukala, ididiskalipika ang party list nominees na gumanap na sa public office o kaanak ng isang incumbent government officials, o ang kita ay higit sa batayang kita ng isang mambabatas sa panahon ng eleksiyon.

Kabilang sa Makabayan bloc na nagpasa ng panukala sina Representatives Ferdinand Gaite, Carlos Isagani Zarate, Eufemia Cullamat ng Bayan Muna, Arlene Brosas ng Gabriela, France Castro ng ACT Teachers, at Sarah Elago ng Kabataan.

Anila, nais nilang iwasto ang ‘pinsala’ sa layunin ng pagkakabuo ng party list system dahil sa desisyon g Supreme Court noong 2013, na anila’y nagbukas ng ‘floodgates’ para sa elitista na lumahok sa nasabing sistema.

Oo nga naman, katunayan, ang sinasabing pinakamayaman na mambabatas ngayon sa kamara ay walng iba kundi ang port tycoon na si 1-Pacman Party-list Rep, MIkey Romero.

Bukod doon, 25 party list groups ang nakapag-upo ng kanilang nominees na dating mamababatas o local officials.

Tsk tsk tsk…

 

ELECTION
COMMISSIONER
ROWENA GUANZON
MAGHIHIGPIT
SA KALIPIKASYON
NG PARTY LIST
GROUPS

O ‘yan maging si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay galit na sa ‘kababuyang’ nagaganap sa party list system.

Isa sa tinutukoy niya ang kaso ni National Youth Commission chair Ronald Cardema at ng Duterte Youth party list group.

Nagulat nga naman ang marami na biglang naging kapalit si Cardema ng kanyang misis bilang nominee ng Duterte Youth tapos kamukat-mukat, ‘e diskalipikado pala siya dahil sa ilang teknikal na rason.

Arayku!

Nagulo ang buong sistema gayong alam naman nila na hindi sila kalipikado.

Pero ang pilit nilang maggiit dahil sa kasuwapangan sa posisyon.

Madam Commissioner, puwede ba, unti-unti na ninyong linisin ‘yang party-list system na sinalaula ng dating 3-million division diyan sa Comelec, kasabwat ang ilang loko sa Korte Suprema.

Please lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *