Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tayabas at Lucena cities ‘biktima’ rin ng Prime Water

HINDI talaga natin maintindihan kung bakit nabibiyayaan ng joint venture agreement (JVA) ang kompanyang Prime Water gayong hindi maayos nag kanilang serbisyo sa consumers.

Sa mga lalawigan ng Cavite at Bulacan, maraming bayan ang sumailalim sa serbisyo ng Prime Water at simula noon nagulo ang buhay nila.

E paano namang hindi magugulo, kung dati ay wala silang problema sa serbisyo ng tubig sa ilalim ng Local Water Utilities Authority (LWUA) o water district sa kanilang lugar, ngayon ang serbisyo ng tubig sa Prime Water ay “now you see, now you don’t.”

At mas madalas ‘yung panahon na walang tubig…kaysa mayroon.

Gaya ng nararanasan ngayon ng mga lungsod ng Tayabas at Lucena sa Quezon.

Sa loob ng isang linggo, limang araw silang walang tubig. Kapag nagkaroon naman, nagkukumahog ang mga consumer na mag-ipon kasi hindi nila alam kung tatagal ba sa buong maghapon ang tulo ng tubig sa kanilang mga gripo.

Hindi lang ‘yan, gaya ng naranasan ng maraming bayan sa Cavite at Laguna, mayroong panahon na marumi ang ibinubugang tubig ng gripo dahil sa bulok na serbisyo ng Prime Water.

At sa kabila ng bulok na serbisyo, ang singil ng Prime Water sa kanilang minimum charge ay P223 kada buwan plus ‘yung konsumo, aba, mahina ang P1,200 binabayaran ng bawat tahanan sa kanilang konsumo sa tubig.

Bulok ang serbisyo ng Prime Water pero ang lakas g loob nilang maningil sa consumers.

Hindi ba’t maliwanag na panggugulang ‘yan?!

Kailan ba matatauhan ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at LWUA para umaksiyon at balewalain ang JVA sa kompanyang Prime Water na sinabing pag-aari ng pamilya Villar.

Kung hindi babalewalain ng LWUA ang JVA sa Prime Water, ang mga nararanasan ng City of San Jose Del Monte, Meycauayan, Marilao at iba pang bayan sa Bulacan; at iba pang mga bayan sa Cavite ay paulit-ulit na mangyayari gaya ng nararanasan ngayon ng Tayabas at Lucena cities.

Ngayon, kailan ba talaga aaksiyon ang MWSS o ang LWUA?

Kailangan pa bang magbaba ng ‘emergency power’ ang Palasyo kung sakaling dumating ang panahon na lumala ang krisis tubig?!

‘Wag naman sana!

 

‘JIGZAW’ PUZZLE BA
ANG ‘KOLEKTONG’
SA MGA PASUGALAN
GAMIT ANG MPD
AT SPD?

HINDI natin alam kung saan nanghihiram ng kapal ng mukha at lakas ng loob ang isang alyas Jigzaw na nagpapakilalang ‘itinalagang’ kolektor umano ng Manila Police District (MPD) at Southern Police District (SPD) para ipangolekta sila sa mga ilegal na pasugalan.

Kung hindi tayo nagkakamali, mahigpit na iniutos ni NCRPO chief, P/MGen. Guillermo Eleazar na maging mahigpit sa ilegal na sugal pero bakit may isang alyas Jigzaw na nagpakilalang sugo siya ng MPD at SPD para ipangolekta ang mga district director?!

May katotohanan ba ‘yan, P/BGen. Vicente Danao, Jr., at P/Gen. Eliseo Cruz?!

Pakikapa-kapa lang po ang ulo ninyo at baka bukol-bukol na kayo kay alyas Jigzaw.

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *