Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Grade 6 kulong sa P142 nilimas sa burger house

KULONG ang isang grade 6 pupil sa halagang P142 mula sa hinoldap niyang Angel’s Burger sa Barangay Greater Fair­view sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Sa ulat ni P/MSgt. Roderick Mallanao ng QCPD Fairview Police Station 5,  ang insidente ay naganap dakong 4:20 am kahapon, 12 Agosto, sa Angel’s Burger branch sa Commonwealth Ave., Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

Ang biktima ay kila­lang si  Ma. Sharimae Casten Pastor, 22 anyos, dalaga, college graduate, residente sa Unit 2341 4th Floor, Floravista Condo­minium, Peacock St., Brgy. Greater Fairview, at crew ng Angel’s Bur­ger.

Agad naaresto ang suspek na si Kenneth Catadman Bersalona, 21, binata, Grade 6, merchan­diser, at naninirahan sa  Block 56 Lot 5 Sitio SAMAPA, Brgy. Greater Fairview, ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ng nakasaksing si John Bagares Galvinder,  37, binata,  bus inspector ng  Block 1 Lot 4 Divina Gracia Zone 2, Graceville, CSJDM, Bulacan, bumi­bili siya ng burger nang pumasok ang suspek, sinakal ang biktima saka pinadapa at nagpahayag ng holdap.

Pagkatapos ay saka nilimas ng suspek ang mga barya na nagka­kahalaga ng P142 na na­ka­lagay sa tray at isini­lid sa dala nitong  Sam­sonite shoulder bag.

Hindi pa nakontento ang suspek at binalikan ang crew at tinanong kung saan nakalagay ang kanyang mga benta pero mabilis na nakatakbo ang biktima at humingi ng saklolo.

Agad nadakip ang holdaper ng mga tauhan ng Fairview Police na sina P/Cpl. Rodmar Don Brusas, P/SSgt. Cyrel Aguitong, sa tulong ng mga barangay police na sina Geraldo Dela Cruz at  Joselito Villona ng nasa­bing barangay. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …