Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Isko ibaba sa 40% Real property at business taxes sa Maynila sa loob ng 3 taon

PABOR tayo sa aksiyon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ibaba sa 40 percent ang real property at business taxes sa Maynila.

Ang nasabing taxes ay itinaas ng dating administrasyon dahil bangkarote umano ang Maynila at walang naiwang pondo.

Pero sa loob ng anim na taon na itinaas ang buwis at nagbenta ng aria-arian ng lungsod, walang naipamalas na pagbabago. Walang naipagawang ospital. Ang basura ay lumala at namantot ang Maynila.

Naging epekto rin ng nasabing pagtataas ng buwis ang paglayas ng maraming negosyante dahil ang kakarampot nilang kita ay napunta lang lahat sa buwis.

Sa ilalim ng bagong administrayon, unang ipapatupad ang 20 porsiyentong kabawasan sa buwis.

Sa ikalawang taon ay panibagong 10 porsiyento at sa ikatlong taon ay 10 porsiyento muli.

Ito pong business tax at real property tax ay buwis na ipinapataw ng lokal na pamahalaan na nakapaloob sa Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991.

Hindi lang ‘yan, pinag-aaralan na rin kung anong iskema ang ipatutupad para sa general tax amnesty nang sa gayon ay makapagbayad ang mga Manileño na nabaon sa utang dahil sa napakataas na tax.

Ibinigay na halimbaw ni Yorme, kung ang amilyar ng residente ay lumobo mula P8,000 hanggang P47,000 sa loob ng 10 taon dahil sa interes at surcharge, halagang P8,000 ang babayaran ng residente sa ilalim ng amnesty program.

“Kapag nagbayad siya sa ilalim ng amnesty program, malilinis na ang kanyang pangalan sa listahan ng may utang na buwis sa lungsod,” pahayag ni Yorme Isko.

Sabi nga ni Yorme, “Hangad po natin na magbigay ng solusyon sa ating mga kababayan upang maibsan ang kanilang mga suliranin sa buhay dito sa ating lungsod.”

Hindi lang ‘yan, may online tax payment pa na higit na magpapagaan sa mga taxpayer.

Sa ilalim umano ng sistemang ito, maaari nang makapagproseso ang mga Manileño ng kanilang pagbabayad ng business tax, real property tax at iba pang bayarin  sa internet.

Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11032 o “Ease of Doing Business Act” na ang layunin ay padaliin at pabilisin ang mga transaksiyon sa pamahalaan sa buong bansa.

“Ang lahat pong ito ay pangarap natin para sa ating minamahal na lungsod. Ang bawat piso na inyong ibinabayad ay ilalagay natin sa mga programa at proyekto na tiyak na mapapa­kinabangan ng bawat Manileño,” ani Mayor Isko.

Yorme, malaking-malaking bagay ang programang ‘yan sa mga Manileño.

Sa bilis ng takbo ng buhay ngayon, malaking tulong sa kanila na maging mabilis ang tran­saksiyon nang sa gayon ay hindi sila madala sa pagbabayad ng buwis.

Suportado ka namin diyan, Mayor Isko!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *