ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang treasure hunters sa bayab ng Gasan, lalawigan ng Marinduque kahapon, 11 Agosto.
Kinilala ni P/Lt. Col. Socrates Faltado, Mimaropa regional police information officer, ang mga suspek na sina Frankie Ical, 29 anyos, isang magsasaka, at Godofredo Perigren, 49 anyos, kapwa mula sa bayan ng Sta. Cruz, sa naturang lalawigan.
Nadakip ang mga suspek nang makatanggap ang pulisya ng tip kaugnay sa nagaganap umanong paghuhukay sa Barangay Bahi.
Sasampahan ng kaso ang dalawang nadakip na suspek ng paglabag sa Philippine Mining Act of 1995.