Thursday , December 26 2024

DFA Sec. Teddy Locsin bakit tahol nang tahol sa VUA?

SA ISANG post sa social media noong nakaraang Linggo, sinabi ni Department of Foreign Affairs sikwatary ‘este Secretary Teodoro Locsin, Jr., kailangan daw ihinto ang pagbibigay ng visa upon arrival (VUA) sa mga Chinese national.

Ito raw ang dahilan kung bakit patuloy na lomolobo ang bilang ng mga banyaga sa bansa.

Kinakailangan daw dumaan sa “vetting process” ang bawat turista na pupunta sa Filipinas bago bigyan ng karampatang visa.

Ang sinasabi po na “vetting process” ng Kalihim ay ‘yung masusing pagrerekisa o pagsisiyasat sa kanilang layunin na maging turista bago pa man sila gawaran ng visa.

Isa rin ito sa naging reaksiyon ni Locsin matapos magpahayag ng pagkaalarma si National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., sa libo-libong dumarating na Tsekwa na ayon sa kanya ay pawang undocumented o kung hindi man ay unregistered workers.

 (By the way, hindi ba mismong si Tatay Digong ang may gusto na papasukin ang mga G.I. as in genuine intsik sa ating bansa?)

Sa isang task force na inilunsad ng DFA, lumalabas sa kanilang bilang na nasa 100,000 ang bilang ng mga banyaga na nagtatrabaho umano sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang POGO workers umano ay hindi rin nagbabayad ng kaukulang buwis. Sa katunayan, umabot na raw sa P2 bilyon ang dapat kolektahin sa kanila.

Ang Bureau of Immigration (BI) ang naglunsad ng programang VUA sa mga Chinese national noong 2017.

Agaran itong inaprobahan ng DOJ sa pamamagitan ng isang Department Order noong panahon ni dating DOJ Secretary Vitaliano ‘STL’ Aguirre.

Sa ating palagay, hindi lang ang VUA ang dapat sisihin sa bagay na ito. Nariyan din ang DFA na patuloy na nag-iisyu ng mga visa sa mga Tsekwa sa mga konsulado sa Tsina!

Bakit VUA ang biglang nasilip at pinag-iinitan nitong si Locsin?

Bakit hindi ang sarili niyang bakuran na panay pa rin ang issue ng tourist visa sa mga Intsik?!

Totoo kaya na concerned ang Kalihim sa pagdami ng Tsekwa sa bansa o baka naman ang bumabang koleksiyon ng kanilang opisina?

Tama po ba?

Mula kasi nang inilunsad ng BI ang VUA ay marami sa travel agencies ang nag-avail ng nasabing programa para sa kanilang mga kliyenteng turista mula China.

Kahit itanong pa ninyo kay Betty chuchu, Anna sey at Leya!

Sa VUA kasi siguradong makapapasok ang mga Chinese na nag-apply nito kaysa ordinaryong tourist visa na kadalasan ay nai-exclude sa airport lalo’t hindi maganda ang profile ng mga dumarating!

Sino nga naman ang mangangahas na mag-exclude ng isang VUA holder kung pirmado o aprobado ng komisyoner ng BI?

Bago pa rin maisyuhan ng VUA ang isang aplikante ay kinakailangang magsumite ng requirements sa BI bago pa man pumasa ang kanilang application.

Sa madaling salita malaking kompetensiya sa kanilang raket ‘este kita ang BI para sa DFA kaya may pa-hanash si DFA Secretary Teddy Locsin na nakaa-alarma?

Sa mga hindi kabisado ang kalakaran sa dalawang opisina ng gobyerno madali sigurong mapapaniwala ang mga mamamayan sa “hanash” ni Locsin. Pero sa gaya natin na mapagmatyag sa bawat issue sa kapaligiran, hindi ito bebenta!

Kasabihan nga, “bakit ‘di muna linisin ang sariling bakuran bago pakialaman ang bakuran ng iba?!”

Right, Mr. “Twitter” Secretary?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *