Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Rebelasyon ni Senator Ping Lacson: Pasaway na mga PCSO STL franchisee pawang retired military and police generals

KUNG bilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa military officials kaya niya itinatalaga sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mayroon din naman palang ex-military and police generals na nakakuha ng Philippine Charity Sweepstakes Office – Small Town Lottery (PCSO STL) franchise na estafador at balasubas.

Malamang kaya sila nakakuha ng franchise dahil naniniwala nga si Pangulong Digong na silang military generals ay mga displinado at hindi mga estafador at manunuba.

Pero sa pagbubunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson lumalabas na ‘yung ex-generals na nakakuha ng franchise sa PCSO STL, sila pa ang numero unong estafador at manunuba na hindi nagre-remit ng kanilang mga pataya.

Wattafak!

Pinayagan nga silang magnegosyo sa ilalim ng PCSO STL dahil pinagkakatiwalaan sila ng Pangulo at para makatulong sa gobyerno.

Pero ang nangyari, mga sariling bulsa lang ang nilamanan nila at hindi ang kaban ng gobyerno. 

Ang isa pang rebelelasyon ni Senator Ping, noong panahon daw ni dating PCSO general manager Alexander Balutan, maraming pumasok na retired military at police officials.

‘Yan ang dapat sigurong busisiin ngayon ng Kamara. Hindi lang milyones ang pinag-uusapan dito kundi daan-daang milyones.

Ang laking pera niyan na sana ay pumasok sa gobyerno pero sinolo lang ng military & police generals.

Heto pa, ang ilang mga dating opisyal ay mga dating provincial at regional director na alam ang kalakaran sa jueteng kaya’t halos lahat ng kinikita sa STL ay napupunta sa bulsa ng retired AFP at PNP officials. 

Mas mainam raw ang mga STL na pag-aari ng gambling lords, nagre-remit kahit paano sa PCSO.

Pero kahit nagre-remit sila, hindi naman ito umaabot sa 20 porsiyento kaya lugi pa rin ang PCSO.

Kung lugi naman pala ang gobyerno, e bakit hindi na lang tuluyang ipasara ‘yang STL na ‘yan?! E kasi nga kahit ipasara ang STL, tuloy-tuloy pa rin ang jueteng.

In short, gobyerno pa rin ang talo kapag ipinasara ang STL?!

Pero sabi ni Pangulong Digong, maraming pagkukuhaan ng pondo ang gobyerno para matulungan ang mga kababayan nating nangangailangan ng medical assistance at iba pang pangangailangan.

Ibig sabihin, hindi umaatras ang Pangulo sa kanyang posisyon na busisiin ang STL at ilantad ang mga sangkot sa katiwalian.

Go, Mr. President!

 

ILOILO INTERNATIONAL
AIRPORT SALYAHAN
NG TOURIST WORKERS

‘VIRAL’ sa social media ang issue tungkol sa Iloilo International Airport (IIA) bilang transhipment point daw para sa illegal tourist workers.

Sa isang post sa FB ni Jalilo Dela Torre, isang lawyer at anti-human trafficking campaigner, iniulat na limang Pinay ang stranded sa bansang Turkey matapos lumapit at humingi ng tulong sa embahada.

Matapos ang imbestigasyon sa kanila, napag-alaman, sa Iloilo International Airport dumaan o isinalya ang mga biktima.

Wala rin silang naipakitang Overseas Employment Contract (OEC).

Ayon sa kanilang salaysay, sila ay ni-recruit ng kompanyang H & L na nakabase sa Hong Kong na pag-aari ng isang nagngangalang Natalie.

Ito ay nakompirma matapos ‘tumuga’ ang isang kontak mula sa Russia at nagsabi na pang­karaniwang dumaraan sa Singapore at Hong Kong ang mga na-recruit bago lumundag sa kanilang destinasyon sa middle east o Turkey?!

Susmaryosep!

Kawawa naman ang mga nabibiktimang Pinay!

Noong mga nakaraan, ilang babaeng overseas Filipino workers (OFWs) din ang nasakote sa Singapore na nakitaan ng visa patungong Lebanon.

Isa rin ang bansang Lebanon sa may existing deployment ban kaya talagang ipinag­babawal sa mga Pinoy ang magpunta sa nasabing bansa!

Alam naman ng lahat na may bagong hepe ang IIA at imposible naman na may basbas niya ang nangyayari sa kanyang jurisdiction.

Basta ang alam lang ng lahat, maraming pasaway na immigration officers sa airport na ‘yan at kinakailangan siguro na pagbakasyonin muna sila sa malalayong lugar para matauhan?!

So sad naman para sa bagong hepe ng IIA kung patuloy lang siyang palulusutan ng mga tao niya.

What do you think, SOJ Menardo Guevarra?!

 

HINAING NG MIAA
EMPLOYEE

KA JERRY, pakibulabog ang GSIS. ‘Yun aming UMID card karamihan wala pa rin. Sabi ng GSIS, Union bank daw ang responsable doon, ‘yung iba magreretiro na lang wala pa rin UMID card. Pati PBB namin nakatengga pa rin sa GM’s office. Ang OT pay laging delay. Legal holiday na nga lang binabayaran hndi pa maibigay ni GM.

– Concerned airport employee
+63990255 – – – –

 

BAWAL PUMARADA
SA HARAP NG BAHAY MO
SA BRGY. LANGKAAN
DASMARIÑAS CAVITE

SIR sobra OA naman dto sa Barangay Langkaan, Dasmariñas, Cavite sa loob ng subdivision. Parada sa harap ng bahay mo sasakyan ipinagbabawal? Saan namin ilalagay sasakyan namin?! Aksiyonan sana ni Mayora Barzaga.

+63916633 – – – – 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *