MAY nakatakdang bilateral talks sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, maaaring sa huling linggo ng Agosto ang pagbisita ni Pangulong Dutere sa China para mapanood na rin ang laban ng Gilas Pilipinas na nakapasok sa FIBA World Cup.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaaring talakayin ng dalawang lider ang mga kontrobersiya sa West Philippine Sea at trade relations ng Filipinas at China.
Ito ang ikalimang pagbisita ng Pangulo sa China.
ni ROSE NOVENARIO