IBINAHAGI ni Senador Panfilo Lacson sa mga mamamahayag na noong bagito siyang senador noong 2001, pinayohan siya noon ni Senador Vicente Tito Sotto III na mag-obserba muna.
Payo umano sa kanilang mga bagitong senador ni Senador Sotto ‘wag silang tayo nang tayo sa debate sa plenaryo kundi tatamaan sila sa mga beteranong senador.
Sinabi ni Lacson, pinayohan sila ni Sotto na dapat mag-obserba muna ng tatlo hanggang apat na buwan sa sesyon sa senado bago tumayo o magsagawa ng privilege speech.
Ito ang naging reaksiyon ni Lacson sa naganap sa senado na tila pinaglaruan at nilektyuran ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang bagitong senador na si Senador Francis Tolentino matapos magsagawa ng kanyang kauna-unahang privilege speech sa plenaryo ukol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
(CYNTHIA MARTIN)