Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bagong halal na opisyal inirereklamong terror sa Las Piñas City hall

ISANG bagong halal na opisyal sa Las Piñas City ang tila naghahasik daw ng ‘terorismo’ sa city hall.

Kakaiba raw ang peg ni Las Piñas official nambabato ng plato na parang ‘flying saucer.’

At daig pa raw ang galaw ng puwet ng inahing manok kapag nagpupuputak at sinasabayan pa ng sandamakmak na pagmumura.

Hindi nila maintindihan kung paanong ‘pinangarap’ ni elected official ang maglingkod sa bayan gayong sa city hall lang, e hirap na hirap siyang makipag-usap sa mga tao.

Ang bunganga umano ni elected official ay parang kanyon na laging nambabato ng bomba o kaya naman ay dragon na bumubuga ng apoy.

Arayku!

Yes korek!

Dahil sa masamang asal ni elected official, marami na ang nag-resign.

May isa pa siyang masamang bisyo, lagi siyang tamang duda…

Tamang duda na para bang nabubukulan siya dahil lahat daw ng tao ay pinaghihinalaang gumagawa ng pera.

E bakit nga ba ganyan ang asal ni Las Piñas elected official?             

Feeling niya siguro siya ang may-ari ng Las Piñas?!

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …