Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Solon exempted pala sa bomb joke pero kapag ordinaryong mamamayan kulong agad sabay sampa ng asunto

KAPAG mambabatas lusot sa butas ng batas pero kapag ordinaryong mamamayan swak agad sa hoyo at may haharapin pang asunto.

Ganyan natin mailalarawan ang tila special treatment ng PNP Aviation Police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) domestic terminal 2 kay APEC Party-List congressman Sergio Dagooc nitong nakaraang Huwebes ng hapon nang siya ay humirit ng “bomb joke” kaugnay ng kanyang bagahe.

Nakatakdang bumiyahe si ‘tong’ este Cong. Dagooc sa Cagayan de Oro sakay sana ng PAL flight PR2525 dakong 4:40 pm.

Sa PAL check-in counter, sinabi kay Dagooc ng passenger service agent na si Ms. Pearl May Lansang na labis ang kanyang bagahe ng 4 kilos mula sa pinapayagang 7 kilos.

Siyempre hinanapan ng identification card si congressman ng passenger service agent bilang bahagi ng check-in process sabay tanong kug ano ang laman ng kanyang bagahe.

Sinagot ng party-list congressman na mga damit ang laman ng luggage.

Sinundan ito ng tanong na, “Ano  pa po?” na pabirong sinagot ni Dagooc ng “bomba.”

Wattafak!

Ignorante ba sa batas ang mambubutas ‘este ang mambabatas na si Dagooc?

Kaya naman dali-daling ipinaala ni Lansang sa kanyang supervisor ang insidente.

Agad dinala si Dagooc sa Philippine National Police – Aviation Security Group office para roon imbestigahan.

Pansamantalang pinigil si Dagooc sa tang­gapan ng Aviation police pero dakong 10:40 pm nang araw na iyon ay pinawalan siya ng mga pulis.

Pinawalan si Dagooc ng Aviation police dahil alinsunod umano sa Art. VI, Section 11 ng 1987 Constitution, “(a) senator or member of the House of Representatives shall be in all offenses punish­able by not more than six years imprisonment, be privileged from arrest while the Congress is in session.”

Only in the Philippines lang talaga na ang mga deklaradong batas ay nag-aaway-away sa pagpapakahulugan at pagpapatupad nito.

Samantala, sa Section 1 ng Presidential Decree 1727, sinasabing:  Any person who, by word of mouth or through the use of the mail, telephone, telegraph, printed materials and other instrument or means of communication, willfully makes any threat or maliciously conveys, communicates, transmits, imparts, passes on, or otherwise disseminates false information, knowing the same to be false, concerning an attempt or alleged attempt being made to kill, injure, or intimidate any individual or unlawfully to damage or destroy any building, vehicle, or other real or personal property, by means of explosives, incendiary devices, and other destructive forces of similar nature or characteristics, shall upon conviction be punished with imprisonment of not more than five (5) years, or a fine or not more than forty thousand pesos (P40,000) or both at the discretion of the court having jurisdiction over the offense herein defined and penalized.”

Klaro ‘di ba?

Pero bakit pinawalan ng PNP Aviation police?  

Mismong ang PAL ay kinompirma ang insidenteng kinasasangkutan ni Dagooc. 

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, naghain sila ng reklamo sa pamamagitan ng kanilang abogado ng  paglabag sa Presidential Decree 1727 (anti-bomb joke law) pero ini-release umano ng PNP Aviation Security Group ang congressman dakong 10:48 pm gamit nga ang rason na isinasaad sa Article 6, Section 11 ng 1987 Constitution.

Hindi natin personal na kilala si Rep. Dagooc, pero klaro sa insidenteng ito na tila may kinikilingan ang batas.

Hindi ba’t hindi iilang ordinaryong overseas Filipino workers (OFWs), turista at simpleng mama­mayan ang nag-bomb joke pero imbes makarating sa bansang patutunguhan sa kala­boso natuloy?

At hindi lang pansamantalang napigil, nasampahan pa ng asunto.

E bakit kapag mambubutas ‘este mamba­batas, carry lang na palayain at huwag sampahan ng asunto?!

‘Yan ba ang eksampol ng mga batas na may tinitingnan at tinititigan?!

 

SI “ATTORNEY 5K”
SA BI MAIN OFFICE

MARAMI na raw naiimbyerna sa estilo ng isang lady liar ‘este’ lawyer diyan sa Bureau of Immigration (BI) Main office.

Hindi naman daw dating ganyan si Madam Attorney dahil kilala siyang ma-pera-sipyo ‘este’ maprinsipyo.

Pero bakit mula nang mapalipat daw sa BI Main office ay tila nagbago na ang pananaw.

Sa kanyang dating destino umano ay nasanay siya sa simpleng pamumuhay lang.

Pero ano naman kaya ang dahilan at nagbago na ng “peg” si madam?

Kung tutuusin, dapat masaya na siya sa 1k per folder na dumaraan sa kanyang opisina pero bakit tila kulang pa raw ngayon?!

Why o why?

Wish daw niya kasi ngayon ay 5K per folder na ang dapat ihatag sa kanya?!

Wattafak!

Attorney 5K tuloy ngayon ang tawag ng marami sa kanya sa BI main office!

Wala naman daw gagawin sa mga folder kundi dumaan lang sa kanya for record purposes?

Anak ng tokwa!

Daraan lang ang papel, 5K na agad?!

Grabe naman si Madame 5K!

Ganyan ba katindi ang pangangailangan mo ngayon?

“Tindi talaga, Tsong!”

‘Yan ang sambit ng mga nanggigigil sa kanya sa BI main office.

SOJ Sec. Menardo Guevarra, baka naman puwede ninyong kastiguhin si Attoney 5K!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *