Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Crime of passion… Ulo ni misis tinagpas matapos saksakin, at barilin ni mister

SELOS na matindi ang hinihinalang dahilan kung bakit tinagpas ng itak ang ulo ng isang misis matapos pagsasaksakin at barilin ng sariling mister sa Quezon City kahapon ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station (PS6) comman­der, P/Lt. Col. Joel Villa­nueva, ang suspek na si Alejandro Baltazar, 34, walang trabaho, residente sa Abra corner Muñoz streets, Barangay Batasan Hills.

Ang biktima ay kini­lalang si Maricel Alejo.

Sa imbestigasyon, dakong 1:45 pm nang maganap ang insidente sa bahay ng mag-live-in.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa mga opisyal ng bara­ngay na may isang lala­king armado ng baril na naglalakad sa kalsada.

Agad nagresponde sa lugar ang mga kagawad ng pulisya ngunit nang makita ni Baltazar ang mga pulis, kanyang ini-hostage ang 3-anyos na anak.

Ilang minutong tuma­gal ang negosasyon bago tuluyang sumuko ang suspek sa pulisya.

Nang inspeksiyonin ang tahanan, nakita ang katawan ni Alejo sa loob ng banyo na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, may tama ng bala sa katawan habang ang ulo ay nakita sa kusina. Narekober mula sa lugar ng krimen ang itak na ginamit sa pananasak at pagpugot, gayondin ang kalibre .45 baril.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …