Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

One day processing ng business permits sa one-stop shop ni Yorme, Iskorek talaga!

ISKOREK!

‘Yan lang ang masasabi natin sa paglulunsad ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng

Bagong Maynila Business One-Stop Shop (BOSS) para sa pagkuha o renewal ng business permits and licenses.

Pangunahing layunin nito na wakasan ang ‘red tape’ at bawasan ang araw ng pagpoproseso mula sa isang linggo hanggang maging isang araw.

Marami ang lalong matutuwa kay Yorme kapag naipatupad ito at nagtuloy-tuloy.

Isa kasi sa mga naging dahilan kung bakit dumami ang mga negosyanteng umalis sa Maynila ay dahil sa grabeng ‘red tape’ o under the table racket ng mga dating nakatalaga riyan.

Mantakin n’yo naman nagnenegosyo na nga, nakapagbibigay ng employment at nakatutulong sa pag-ikot ng ekonomiya ng lungsod tapos gigipitin pa?!

Kaya ang kasabihan dati, “kung ang raket ay ilegal mas mabilis ang usapan pero kung ang negosyo’y legal tiyak na pahirapan.”

Kaya maraming negosyante ang nakapag-isip na humanap ng konek at pumatol sa ‘under the table’ kasi nga imbes tulungan kung paano pupunuan ang kakulangan ‘e gigipitin at papasukin sa ‘diskarteng under the table.’

Kung magiging mahusay at maayos itong Bagong Maynila BOSS ni Yorme Isko, tiyak na kahit maliliit na negosyante ay lulutang sa city hall para magbayad ng business permits at iba pang lisensiya sa negosyo.

Iba talaga kapag genuine na Batang Maynila, alam niya talaga kung paano tutulungan ang kanyang mga kalugar.

Mismong si Pangulong Digong nga ay natuwa sa BOSS ni Yormer Isko kaya mahigpit din ang kanyang utos kahapon sa kanyang SONA. Hanggang tatlong araw lang dapat ang business permit at gayahin ang Maynila na kayang magproseso nang isang araw lang para rito.

Sana lang ay pagsamahin na ulit ang tanggapan ng business permits and licensing office (BPLO). Noong nakaraang administrasyon kasi ay pinag­hiwalay ito kaya lalo pang naging hilong talilong ang mga tao.

Kaya isa lang sabi ng mga taga-Maynila: Iskorek ka naman diyan Yorme!

 

AYAW MAGPAAWAT
NI ERAP,
FIGHTING SPIRIT
IBANG LEVEL

IBANG level rin ang fighting spirit ni ex-Manila Mayor Erap Estrada.

Nagpaplano pa raw tumakbo ulit dahil naaawa sa mga vendor na ‘winalis’ umano ng bagong administrasyon.

Aba, kailan lang ‘e nag-graceful exit na ‘di ba? Doon pa ginanap sa Sofitel?!

E bakit ngayon nagbabalak na namang magbalik?!

Hindi pa natin nalilimutan ang daing ng mga vendor noon: “Sa dami po ng nangongolekta sa amin e parang ipinaghanapbuhay lang namin ang city hall!”

‘Yan po ang statement ng mga vendor noon.

Ngayon sa bagong administrasyon, ‘yung mga legal na vendor, inilagay sa tamang lugar para hindi maging obstruction.

Higit sa lahat para wala na silang ‘tara.’

Kaya hindi natin maintindihan kung sino ba ‘yung mga ‘vendor’ na nagpapabalik sa kanya?!

Unsolicited advice lang po, Sir Erap, okey na po ang ginawa ninyong graceful exit. Huwag na kayong pasulsol sa mga gusto lang kayong gamitin para kumita sila.

Pahinga na rin po and just enjoy your time with your families.

Okey ba, Sir Erap?!            

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *