Sunday , April 27 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Alinsunod sa plano ni Pangulong Duterte: Pundasyon ng maginhawang buhay para sa lahat ng Filipino target sa 15 buwan ni Cayetano

NGAYONG naayos na ang gusot sa speakership ng Camara de (los) Representantes, inilatag ni Taguig-Pateros congressman Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na kanyang isusulong na maipasa sa kanyang 15-buwan termino bilang unang Speaker ng 18th Congress. 

Bago pa man naayos ang isyu  ng Speakership sa kanila ni Congressman Lord Allan Jay Velasco at magsimulang magtrabaho ang darating na Kongreso, nagsimula nang tumulong si Cayetano kay Pangulong Duterte kung paano maisasakatuparan ang plano ng kanyang administrasyon na ilatag ang mga dapat gawin para maging maginhawa ang buhay ng bawat Filipino. 

Kaya naman ang inuna ni Cayetano ay ipakilala sa mga bagong kongresista ang mga senior Cabinet secretaries na katuwang ng Pangulo sa pagtupad ng planong ito.  Ito ang ginawa ni Cayetano nang imbitahan niya sina Secretary Sonny Dominguez ng Department of Finance at si Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways sa seminar para sa mga bagong mambabatas sa Clark, Pampanga kamakailan. 

Nang  magpa-seminar si Cayetano at ilang mga beteranong mambabatas para sa mga bagitong congressman, hindi pa noon naaayos ang kasunduan nila ni Velasco sa speakership. Pero heto ang sinabi ni Cayetano sa mga kapwa niya mambabatas na nandoon:  ”Hindi speakership ang pinag-uusapan natin dito, kundi isang better Philippines.” 

Bilang incoming Speaker, alam na ni Cayetano kung ano ang mga dapat unahing economic bills na makatutulong para matupad ang mithiin ng Pangulo na maginhawang buhay para sa lahat ng Filipino. 

Isa na rito ang pagpasa ng natitirang tax reform packages ng administrasyon, una na ang panu­kalang batas na pagbabawas ng buwis na ipina­pataw sa mga negosyo para makaakit ng mas marami pang foreign investments sa bansa. 

Ayon kay Cayetano, kasama rito ang pagsasaayos ng magulong sistema ng pagbibigay ng incentives sa mga investors, para matiyak na ang tax exemptions o discounts na binibigay sa kanila ay napapakinabangan ng ekonomiya at lilikha ng maraming trabaho. 

Ang natitirang tax reform package na magsasaayos sa sistema ng paglalagay ng halaga sa real estate properties at pagbawas ng napakara­mi at magulong tax rates ng capital income, tulad ng interes ng savings accounts sa banko, ay nasa listahan din ni Cayetano. 

Ang pagsasaayos ng sistema sa paglalagay ng “value” o halaga sa real estate property ay maka­tutulong sa mga lokal na pamahalaan na palawakin ang kanilang kita nang hindi nagtataas ng buwis at makatutulong din para maresolba ang mga problema sa right-of-way na nakaaantala sa infrastructure projects ng gobyerno, ayon kay Cayetano. 

Nariyan din ang panukalang pagtataas ng buwis sa beer at iba pang alcoholic drinks para mapunan ang kakulangan sa pondo ng Universal Health Care program at mabawasan ang binge drinking sa mga kabataan na isusulong rin ni Cayetano sa Kongreso.  

Ayon kay Cayetano, may iba pang batas tulad ng pag-amiyenda sa Public Service Act, Retail Trade Act at Foreign Investments Act na naluma na ng panahon at kailangan ng baguhin ang ilang probisyon para dumami pa ang foreign investors na papasok dito at makapagbibigay ng disenteng trabaho sa maraming Filipino. 

Sa unang tingin, mukhang malayo sa sikmura ang mga panukalang batas o bills  na ito at mukhang mga negosyante at investors lang ang makikinabang. Pero ayon kay Cayetano, ang pinakaimportanteng layunin nito ay lalo pang palaguin ang ekonomiya, makalikha ng maayos na trabaho na maganda ang kita para sa mga Filipino at maging abot-kamay para sa kanila ang mataas na kalidad na serbisyo. 

Ang target ni Cayetano ay maipasa ang bills sa loob ng kanyang 15-buwan pagka­kaupo bilang Speaker at maipagpatuloy ng susunod sa kanya — si Velasco na uupo sa natitirang 21 buwan — hanggang maisabatas ang lahat.  Ayon kay Cayetano, ang mga panu­kalang batas ang titiyak na matutupad ang plano ni Pangulong Duterte na mailatag ang pundasyon para sa magin­hawang buhay ng bawat Filipino.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *