HINDI pa raw tapos ang rehabilitasyon na ginagawa sa Boracay kaya hindi nakapagtatakang lumutang ito sa baha.
‘Yan ang rason ng mga hindi apektadong ‘spectator’ sa naganap na pagbaha sa isla ng Boracay sa kasagsagan ng bagyong Falcon.
Pero sabi ng mga apektadong residente sa Barangay Balabag, ang pagbaha sa kanilang lugar na hindi nila nararanasan noong hindi pa sumasailalim sa rehabilitasyon ang Boracay ay isang bangungot na hindi nila kailanman naisip na mararanasan nila sa isang lugar na itinuturing na paraiso ng mga dayuhan.
Kung ating matatandaan, ang Boracay ay pansamantalang ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 26 Abril – 25 Oktubre 2018.
‘Yan ay upang bigyang-daan umano ang rehabilitasyon dahil sa lumalalng suliranin sa kapaligiran gaya ng pagbaho ng karagatan at pagdami ng lumot dahil ginagawa itong isang malaking tapunan ng waste water mula sa mga septic tank.
Kanya-kanyag diskarte rin sila ng sewerage kaya umano dumudumi ang dagat.
Fast forward, after 9 months mula nang iutos ng Pangulo na muling buksan ang Boracay, hindi miminsang dumanas ng baha ang mga residente at bakasyonista sa nasabing isla na ang pinakahuli nga ‘e nitong 19 Hunyo.
Halos hindi madaanan ng mga residente ang kalsada sa Barangay Balabag dahil umabot hanggang baywang ang baha.
Hindi lang Barangay Balabag maging ang
Barangay Yapak ay hindi rin mayapakan dahil hindi na makitan ang kalsada.
Ayon mismo ‘yan kay Catherine Fulgencio, municipal disaster risk reduction officer ng Malay, Aklan na katatagpuan sa Boracay.
Mantakin naman ninyo, umabot sa tatlong talampakan sa ibang area at mismong ang sikat na
D’Mall commercial complex ay pinasok din ng mataas na baha.
Arayku!
Kaya hayan, naghahanda raw ng evacuation para sa mga residente sa Sitio Bulabog sa Barangay Balabag biglang paghahanda sa patuloy na pag-ulan, ani Fulgencio.
Sa mga nagba-bash umano hinggil sa insidente ng pagbaha sa Boracay dapat umano nilang maintindihan na hindi pa tapos ang rehabilistasyon ng isla.
Kabilang dito ang main road, drainage, and sewerage systems na hindi matapos-tapos at iba pang mga proyekto na matatapos umano sa 2021.
Pansamantala, puwede bang palanguyin muna riyan ang mga awtoridad na nagsasabing normal lang ‘yang pagbaha sa Boracay dahil hindi pa natatapos ang rehabilitasyon?!
DPWH Secretary Mark Villar, Sir, and Tourism Secretary Berna Puyat, Madam, subukan kaya ninyong maglakad diyan sa Boracay na bumubuhos ang ulan at unti-unting tumataas ang tubig hanggang abutin ang inyong mga singit?!
Kayanin n’yo pa kayang sabihin ‘yang mga alibi ninyo?!
Sige nga?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap