NAIS ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ibaba ang edad sa statutory rape mula sa 12 years hanggang 15 bilang dagdag proteksiyon.
“Sa ngayon, ang rape ng isang bata ay itinuturing na statutory rape kapag siya ay may kapansanan sa pag-iisip o ang edad niya ay mababa sa 12 taon.
Ang statutory rape ay pagkakaroon ng “carnal knowledge” o pagniniig – basta ang edad ng bata ay mas mababa sa 12 taon – at hindi kailangan patunayan na gumamit ng puwersa o pananakot ang maysala.
Kasunod ito ng proposal, na itaas ang edad sa 15 taon gulang.
Naniniwala si Zubiri na maraming sexual violence ang nagaganap sa mga batang 12 hanggang 15 anyos, ngunit hindi maparusahan ang maysala dahil sinasabi na pumayag ang bata, kahit sa totoo ay sapilitan ang naganap.
“I based my proposal on the 2016 National Baseline Study on Violence Against Children (NBS-VAC) which found that one in every five children below 18 years experience sexual violence. By raising the age to 15 years, I hope that we could put a dent on the number of children victimized since ‘carnal knowledge’ of children aged 12 up to 15 years will now be considered statutory rape.”
“Huwag na nating pahirapan ang mga batang biktima at ang kanilang mga magulang o guardians na makahanap ng hustisya.”
“This amendment to the Revised Penal Code is long overdue considering that the RPC is 89 years old and should be put at par with the expanding measures to protect children, our most valuable asset,” ayon kay Zubiri.
(CYNTHIA MARTIN)