SINAMPAHAN ng ka-song murder sa Quezon City Prosecutors’ Office ang apat na inmates ng Quezon City Police Dis-trict (QCPD) dahil sa pagkamatay ng kasama-hang preso na unang napaulat na nilagnat, matapos umanong bug-bugin sa loob ng piitan nitong nakalipas na Mi-yerkoles, 10 Hulyo 2019.
Ayon kay QCPD Talipapa Police Station (PS 3) commander P/Lt. Col. Alex Alberto, ang mga kinasuhan ay sina Jhonry Dimson, 25, bina-ta, residente sa Sitio Su-milang, Brgy. San Jose Antipolo Rizal; Marlon Sarmiento, 31, binata, ng Sitio Barimbao, Brgy. Pasong Tamo, QC; at Jonathan Torno, 36, bina-ta, residente sa Sitio Bat-hala, Brgy. Bahay Toro, QC; pawang nakapiit sa Talipapa Police Station 3.
Samantala, ang isa pang suspek na si Avelino Labenia Jr., 21, binata, residente sa Denmark St., Brgy. Tandang Sora, QC., ay nakakulong sa QC Jail matapos ilipat dahil sa court commitment order.
Kinilala ang biktima na si Romeo Borja, 44, nakakulong din sa QC Talipapa Police Station 3 at residente sa Pipit St., Brgy. Talipapa, QC.
Sa report ng Quezon City Police District – Cri-minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang in-sidente sa loob ng deten-tion cell ng Talipapa po-lice station, 1:45 am, noong 10 Hulyo 2019.
Nag-ugat ang insidente noong palabas si Borja sa banyo ng detention cell nang hindi umano sinasadyang mahawakan ang duyan na tinutulugan ni Sarmiento. Iki-nagalit ni Sarmiento ang pagkasagi sa kanyang duyan kaya pinagsusun-tok at sinipa niya ang biktima sa katawan at ulo. Habang sina Dimson, Torno at Labienia Jr., imbes awatin ang ginagawang panggugulpi ni Sarmiento sa biktima ay tumulong pa umano para bugbugin ang walang kalaban-labang preso.
Matapos ang panggugulpi sa biktima ay saka nila sinabi sa mga naka-duty na sina P/Cpl. Dennis Tokpil at P/Cpl. Jessie Ruales na nilalagnat umano ang kanilang kasamang preso kaya isinugod sa Quezon City General Hospital (QCGH) ngunit idineklarang dead on arrival. (ALMAR DANGUILAN)