Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Crime’ ‘este Primewater ‘lason’ ‘daw’ ang isinusuplay sa tubig sa Guagua, Pampanga

KAWAWA naman ang mga tao sa Guagua, Pampanga.

Hindi pa man lubusang nakababangon sa ‘delubyo’ ng lindol, lahar at baha noong 1990 at 1991, heto’t parang ‘tubig’ na naman ang magiging sanhi ng ‘pagkaputi’ ng buhay ng mga tao roon.

Bakit ‘kan’yo?

Aba, mismong ang Commission On Audit (COA) ang nagsabing, ang isinusuplay na tubig ng ‘crime’ ‘este Primewater Infrastructure Corp.

(Primewater) na sinasabing pag-aari ni dating Senate President Manny Villar ay labis sa Arsenic.

Batay umano sa 2018 annual audit report, isinailalim ng COA sa physical at chemical analysis ang walo sa 13 pumping stations ng Guagua Water District (GWD) at lumabas na ang kalidad ng tubig ay lagpas sa “maximum allowable limit for Arsenic content batay sa inihihimatong ng Philippine National Standard for Drinking Water.”

Ang Arsenic ay nakasasama sa katawan ng tao lalo na kung mataas dahil makapagdudulot ito ng iba’t ibang sakit at maaring ikalason ng mga batayang organo sa loob ng katawan ng tao.

Ang maximum allowable level para sa drinking water ay 0.01 mg/L. Pero ang mga nabanggit na pumping station sa Guagua ay naka­pag­tala ng hanggang 0.023 mg/L – halos doble sa pinayapagan ng gobyerno.

Inalerto umano ng COA si GWD General Manager Eduardo Rodriguez na agarang solusyonan ang problema sa mga kontaminadong tubig.

Kumilos naman daw ang Primewater at nagsagawa ng pilot testing upang maayos ang sobrang arsenic sa mga pumping station.

Bukod sa Arsenic content, sinita ng COA ang Joint Venture Agrement ng GWD at Primewater sa 32.26% na Non-Revenue Water, lagpas sa pinapayagan na 30%. Sa umiiral na rate na P135 per 10 cubic meters, ang district ay nalugi umano ng P2.041 milyon sa taong 2018.

Noong 3 Nobyembre 2017 pumasok sa JV Agreement ang Primewater para sa development ng local water supply system ng Guagua.

Malapit nang mag-dalawang taon pero ngayon lang nabatid ng publiko na mayroong problema sa supply ng tubig ng Primewater sa Guagua.

Nakatatakot isipin na marami na ang nagka­sakit dahil sa ‘tubig na may lason’ ng Primewater.

Sana naman ay maagapan ito at kung walang solusyon ang Primewater, sana’y ibalik na lang sa dati kung saan kumukuha ng supply ng tubig ang mga taga-Guagua.

 

ANG WALANG KATAPUSANG
RENOVATION NG KALIBO
INTERNATIONAL AIRPORT

MATAPOS daw magpalit ng bagong con­tractor ay balik na naman sa ‘pagkatengga’ ang kons­­truksiyon at renovation ng Kalibo Inter­national Airport.

Panigurado raw na hindi kakayaning matapos sa katapusan ng taon ang konstruksiyon nito at hindi malayo na sa 2020 pa magkakaroon ng kaluwagan sa mga pasahero!

Susmaryosep!

Ubod nang liit na airport pero hindi matapos-tapos?!

Dati na raw na-terminate ang kontrata ng sub-contractor ng “Herbana Builders, Inc.,” dahil hindi nagpapasuweldo sa kanilang mga trabahador kaya naman nang hawakan ng main contractor na “Herbana Builders” ay ganoon rin daw ang naging sistema!

 “Waley pay pa rin sila!?

Wattafak!?

Ba’t kasi ipinagpipilitan pa ang “Herbana Builders” na ‘yan ng CAAP!?

Wala naman yatang sapat na kapital upang magpondo nang ganitong klaseng proyekto!

Baka naman dati ay puro “waiting shed” at “pedestrian lane” lang ang ikinakamada kaya naman nang mabigyan ng malaking kontrata ay hindi na naka-get-over!

Wattafak!

Alam kaya o walang alam si CAAP Director General Jim Sydiongco sa nangyayari riyan?!

Buti pa nga raw ang “holding area” ng Philippine Airlines ay nagawang matapos nang mahigit tatlong buwan pero itong KIA na ‘di hamak na mas maliit pa sa sukat ng NAIA Terminal 4 ay aabutin pa yata ng eleksiyon sa 2022!

Enough na!

Calling your attention, DOTr Secretary Art Tugade. Baka gusto po ninyong bisitahin nang personal ang naturang airport nang makita ninyo ang kasalukuyang kondisyon nito!

Sa ngayon po ay nag-umpisa nang umangat ang mga tiles na inilagay ng huling contractor na gumawa sa airport at hindi malayo na may madisgrasya na namang pasahero!

Magdala na rin po kayo ng payong nang hindi kayo mabasa sa mga tumutulong kisame ng paliparan!

Naknampusa!

Onli in da Pilipins!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *