KASUNOD ng pagbabago sa pangalan, mula sa Joint Congressional Power Commission ay tatawagin na itong Joint Congressional Energy Commission na may layuning palawakin ang kapangyarihan, ani Senator Sherwin Gatchalian.
Aniya, may mga plano para magkaroon ng oversight power ang komisyon sa mga panukala na may kinalaman sa langis at gas, kasama ang Liquified Natural Gas bill.
Binago umano ang pangalan dahil hindi lang sa power sector may oversight function ang komisyon kundi sa lahat ng isyu na may kinalaman sa enerhiya.
Sa ngayon, ayon sa namumuno sa Senate Committee on Energy, tinatalakay ang ilang mga panukala tulad ng Microgrid Systems Act, Energy Advocate Act, Electric Vehicles and Charging Stations Act, at ang Philippine Energy Research and Policy Institute Act.
Nabago ang tawag sa komisyon noong Abril nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang Energy Efficiency and Conservation Act.
(CYNTHIA MARTIN)