Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Bading kulong sa gahasa sa 11-anyos

KULUNGAN na ang hihimasin ng isang bading  matapos ireklamo ng panghahalay sa 11-anyos Grade 1 student ng SPED (Special Education) sa likod ng isang sementeryo sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Yuri Padilla, 32 anyos, kasong Statutory Rape ang isasampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutor’s Office makaraang  madakip ng mga tauhan ng Valen­zuela Police Community Precinct (PCP) 4 sa follow-up operation dakong 3:00 pm kahapon.

Sa imbestigasyon ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), naglala­kad ang biktimang itinago sa pangalang Rogel sa harapan ng South Super­market sa Brgy. Karu­hatan nitong Lunes,  dakong 4:00 pm nang lapitan ng suspek saka niyaya sa likuran ng Tierra Santa Cemetery sa NLEX Service Road, Brgy. Maysan.

Pagdating sa natu­rang lugar, puwersahan umanong ipinasubo ng bading sa bata ang mase­lang parte ng kanyang katawan saka pilit na pinapanood sa biktima ang pornographic film sa kanyang cellular phone bago isinagawa umano ang anal sex sa bata.

Nang makaraos, inabutan ng P100 ang biktima para hindi mag­sumbong at nang maka­kuha ng tiyempo, tuma­kas ang bata pero hinabol ng suspek at nang abutan ay sinapak sa mukha bago mabilis na umalis.

Nang makauwi, nag­sum­bong ang bata sa kanyang ina kaya hu­mingi ng tulong sa puli­sya ang mag-ina na nag­resulta sa pagka­kadakip sa suspek at nakompiska sa ang cellular phone na nag­lalaman ng larawan nila ng biktima pati ang palitan ng mensahe.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …