Kilala ang direktor na si Cathy Garcia Molina sa kanyang brutally frank commentaries on the stars she gets to work with.
Classic na ang comment niyang hindi masyadong maganda ang Miss Universe na si Pia Wurtzbach at hindi masyadong guwapo si Gerald Anderson.
Sa grand mediacon ng Hello, Love, Goodbye last night (July 9) Alden Richards’ somewhat overweight look was her topic.
“During the look test, we did a couple of looks, kami ni Kath. Actually, more on my part,” narrated Alden sounding amused. “Parang nakikita ko na po na parang may hinahanap [si Direk]. Parang naghahanap po ng panga.
“No’ng nagte-take na kami ng mga test shot, parang hindi po yata napigilan ni Direk.
“Sabi niya, ‘Alden, halika rito, tingnan mo, ang taba mo.’
Ang honest but somewhat hurting commentaries ni Direk Cathy ang nag-motivate kay Alden para mag-diet.
Sa last project raw kasi niya sa Kapuso network (Victor Magtanggol), he had to gain some muscle.
Pero ang na-gain raw yata niya ay taba, out of the wrong diet that he used.
Anyway, working with the outspoken director has changed his outlook in the way he looks at his work.
Na tipong hindi puwedeng half-baked ang commitment. Na kailangan, kapag may ginagawa ka, ibuhos mo lahat.
At any rate, he was able to lose twenty to twenty-five pounds prior to their shooting in Hong Kong of Hello, Love, Goodbye.
Nag-experiment si Alden ng sariling programa sa kanyang workout at diet kaya nasabi raw niya na, “Kaya ko palang mag-isa.”
Whatever, malinaw na sinasadya ng mahusay na lady director ang pagpuna sa physical appearance ng mga nakatatrabaho para magsilbing motivational techniques para seryosohin at pagbutihin ng mga artista, not only their acting techniques, but more so their physical appearance as well.
Follow me on my Twitter account Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.