Friday , April 4 2025
dead gun police

Security officer ng city hall, itiumba ng riding-in-tandem

PATAY ang isang empleyado ng Malabon City Hall makaraang pag­babarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem sa naturang lungsod, nitong Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Angelo Aquino, 33 anyos, secu­rity officer ng Malabon City Amphitheater at residente sa Sioson St., Brgy. Dampalit, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ng hindi nabatid na bala ng baril.

Pinaghahanap ang dalawang hindi kilalang suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo patungo sa Brgy. Hulong Duhat ng lungsod.

Batay sa ulat ni P/Lt. Rolando Domingo, da­kong 10:30 pm nang maganap ang pana­nambang kay Aquino sa Gen. Luna St., Brgy. Dampalit.

Pauwi umano ang biktima sakay ng kan­yang bisikleta at malapit na sa kanyang bahay sa nasabing lugar nang sabayan ng isang motor­siklo na agad siyang pinagbabaril.

Anang imbestigador na si P/SSgt. Ernie Baroy, tinitingnan nila ang tat­long motibo na kina­bibilangan pagkakaroon ng romantic angle at personal na away ni Aquino.

Nabatid na kamakai­lan ay may nahuli ang biktimang tatlong kasa­mahan sa trabaho na nagnakaw ng tatlong timba ng pintura para sa renovation ng Amphi­theater na agad niyang isinumbong.

Isa rin dito ang pag­susuplado niya sa ilan niyang mga kababayan sa Malabon na hindi nito pinayagang makaigib ng tubig sa loob ng nasabing teatro na ikinagalit sa biktima.

Nagkaaway din umano ang biktima at asawa nito dahil sa isang babaing nabuntis na nauwi sa pagpapa­kama­tay ng anak nila nang mabuking.

Patuloy ang isina­sagawang imbestigasyon  ng  pulisya upang maba­tid kung sino ang mga suspek.

ni ROMMEL SALES

About Rommel Sales

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *