Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May naitutulong ba si LTFRB chief Martin Delgra kay Pangulong Rodrigo Duterte?

SIMULA yata nang maupo si Atty. Martin Delgra sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) wala tayong nabalitaang magandang bagay na nagawa para sa mga motorista.

Wala tayong natatandaang mahusay na kontribusyon niya sa administrasyong Duterte.

Isa lang ang napansin nating pagbabago sa LTFRB, tumaba si LTFRB chief.

Noong umupo si Pangulong Rodrigo Duterte, isa sa mga una niyang sinabi ‘e ‘yung pabilisin ang mga transaksiyon sa government agencies, para hindi nasasayang ang oras ng mga mamamayan.

Mayroong mga ahensiya ng gobyerno na nakatupad pero ang LTFRB at LTO hanggang sa kasalukuyan ay kunsumisyon ng mga mamamayan.

Kung hindi tayo nagkakamali ay halos tatlong taon na rin naman si LTFRB chief Delgra sa ahensiyang ‘yan. Palagay natin e nakapag-ipon na siya, baka naman puwedeng palitan na siya.

Ano sa palagay ninyo, Mr. President?!

 

ILLEGAL ALIENS
NA BPO WORKERS
HULI NA NAMAN

UMABOT 105 illegal aliens ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) noong June 27, 2019, sa raid na isinagawa sa isang Business Process Outsourcing (BPO) company sa Biñan, Laguna.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nasakote ng BI Intelligence Division operatives ang mga banyaga at naaktohang nagtatrabaho nang walang kaukulang working permits.

Sa mga dinakip, 84 ay kalalakihan at ang 21 naman ay pawang mga babae at may nadamay na isang menor de edad.

Ang raid ay isinagawa matapos maka­tanggap ng kabi-kabilang reklamo ang ahensiya mula sa komunidad kung saan isinasagawa ang operasyon ng illegal aliens.

Sa huling tala na nakalap sa Bureau, lumala­bas na 97 ay Chinese nationals, apat na Indo­nesians, tatlong Malaysians, t isang Vietnamese, at ang natitirang isa pa ay Laotian national.

Pawang mga turista at walang maipakitang legal na dokumento ang mga nahuling banyaga at lahat sila ay dinala sa BI holding facility sa Bicutan, Taguig habang dinidinig ang mga kasong isinampa laban sa kanila.

Nagpahayag ng pagkadesmaya si Commissioner Jaime Morente nang malaman na ang isang malaking kompanya na gaya ng Smartwin Technology, ay nagawang makapag-operate nang walang legal na dokumento para sa kanilang mga empleyado.

 ”Cases like this show that some foreign nationals think that they could just get away with illegal activities in the country,”  desmayadong pahayag ni Morente.

Nagbabala ang pinuno ng ahensiya na sinomang mahuli na lumalabag sa ating batas ay magkakaroon ng sapat na kaparusahan kasama rito ang pagkakulong at agarang deportasyon.

Pinaalalahanan din niya ang madla na agad ipagbigay-alam sa kinauukulan kung mayron man silang makitang ilegal na gawain at kahina-hinalang kilos ng foreigners na magdudulot ng delikadong katayuan sa seguridad ng kanilang lugar.

Anomang oras ay handa ang Bureau of Immigration na aksiyonan ang mga sumbong ng bawat komunidad.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *