Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maynila malinis na ‘winalis’ ni Mayor Isko

MASASABI nating isang mapagtimping lider si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, matapos niyang ipamalas na kaya niyang ‘walisin’ o linisin ang Maynila sa madiplomatikong paraan.

Hindi niya kailangan sumigaw, magmura o mam-bully para linisin ang Maynila.

Alam nating marami ang nasiyahan sa biglang pagluwag ng Divisoria, Blumentritt, Carriedo, at iba pang lugar pamilihan sa Maynila na mabigat na obstruction din sa trapiko.

Pero siyempre marami rin ang mabigat ang loob lalo ‘yung naapektohan ang kabuhayan sa araw-araw.

Kung hindi tayo nagkakamali ay gumagawa na ng paraan ang bagong alaklde ng Maynila upang magkaroon ng puwesto ang mga vendor na tanging pagtitinda lamang ang tanging inaasahan.

Ganoon din ang mga driver ng jeepney, kuliglig, tricycle, tuktok, kalesa at iba pang porma ng transportasyon na dating nakaham­balang sa kalsada.

Winasak na rin niya ang mga illegal terminal na ilang panahong pinagkitaan nang milyon-milyong piso ng mga ilegalista.

Kung magtutuloy-tuloy at hindi magbabago ang ipinakikitang gilas ng bagong alkalde, hindi malayong makarating sa Malacañang si Isko.

Aba, sa ilang araw lang ng kanyang pagkakau­po ay hindi siya nawawala sa pahina ng mga diyaryo, programa sa radyo at telebisyon.

Marami na rin siyang nirerekisa at nirere­pasong mga desisyon na nakaaapekto sa buhay at kabuhayan ng mga Manileño.

At balita natin, ilan dito ay ipinaayos na rin niya sa Konseho sa pangunguna ng tandem na vice mayor na si Honey Lacuna.               

Sa madaling sabi, klaro ang direksiyon ni Mayor Isko na bigyan ng bagong mukha ang lungsod na kanyang kinalakihan — ang Maynila.

Suportahan ka namin diyan, Mayor!

Kaya ‘yung mga dumidikit-dikit na ang plano ay umarbor ng mga pagkakakitaan, mag-ingat kayo dahil mukhang hindi ninyo kayang paikutin ang ulo ni Mayor Isko.

Kuwidaw!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …