IGINIIT ng Pangulo ng PDP Laban na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi miyembro ng kanilang partido si Presidential Son, congressman Paolo “Pulong” Duterte na napapabalitang tatakbo sa House Speakership ngayong 18th congress.
Ayon kay Pimentel, sakaling may miyembro ng PDP Laban na mag-aspire na maging house speaker at kalipikado, mas sususportahan nila ang kanilang kapartido sa PDP Laban.
Magugunita, unang itinanggi ni Pulong ang pagtakbo sa house speakership ngunit kahapon muling lumabas ang balita na interesado ang anak ng Pangulo sa house leadership.
Sa panig ni Senador Bong Go, tinitiyak niya na hindi tatakbo si Pulong sa house speakership at magbibitiw sa puwesto ang pangulo kapag nangyari ito.
ni CYNTHIA MARTIN