MINSAN nating hinangaan ang dating senate president na si billionaire Manny Villar.
Katunayan, noong tumakbo siyang presidente at naupakan sa iregularidad na iniuugnay sa C-5 Road, siya ang naging paborito nating presidentiable.
Pinabilib din niya ako sa husay niya sa real estate. Alam natin na noong pumasok si Villar sa real estate ang kitaan diyan ay 1:16.
Ibig sabihin, kung namuhunan ng P1 milyon noon ang isang realtor, babalik ito sa kanya nang P16 milyones.
Magtataka pa ba tayo kung bakit bily0naryo ngayon si Manny Villar?!
Pero sabi nga, sa bawat tagumpay, mayroong nabubuksan na Pandora’s box. Nalulungkot tayo na tila, masyado namang ‘natakawan’ si Villar at pati ‘tubig’ ay pinasok na rin niya.
Kung mas naging maayos ang serbisyo kompara sa serbisyo ng Maynilad, Manila Water at LWUA sa ilalim ng mga waters districts, tiyak na walang aangal.
Ang problema, masyadong magulang ang ‘crime’ ‘este Prime Water.
Sa totoo lang, sa mga subdibisyon nila sa Cavite, hindi nila pinapapasok ang serbisyo ng LWUA o ng Manila Water.
Lahat ng residente roon, sa ‘crime’ este Prime Water nakakabit ang linya. Ang siste, ‘hindi mahulaan’ ng mga residente sa kanilang subdibisyon kung kailan sila magkakaroon ng tubig.
Kung wala raw tulo ang mga gripo ng mga subdivision residents, mayroon naman daw silang mga water tank para mag-deliver ng tubig.
E gaano nga kadalas ang minsan?!
Sa totoo lang, ang ‘minsan’ ‘e ‘yung minsan lang magkatubig dahil mas madalas na wala silang tubig.
Kaya nagtataka naman tayo kung bakit ang Marilao, Meycauayan, San Jose del Monte at iba pang bayan sa Bulacan ay ‘narahuyo’ na pumasok sa Joint Venture Agreement (JVA) na ‘yan at binalewala ang kanilang water districts na matino naman ang serbisyo.
Hayan ngayon, mismong ang Commission on Audit (COA) na ang nagsabi na ‘tinaga’ ni Villar ang tubig ng mga Bulakeño.
Nakita ng COA ang mga butas sa JVA sa pagitan ng ‘crime’ este Prime Water na pag-aari ng bilyonaryong si Villar at ng mga water district.
Isa sa kinuwestyon ng COA, kung bakit pinapatawan ng value added tax (VAT) ang mga kostumer ng tubig gayong pinapasan na nila ang franchise tax.
Kaya naman pala ang minimum charge sa mga customer ay umabot sa P223?!
Wattafak!?
Sa annual audit report ng COA, tinukoy ang P50 milyong lugi, kulang na performance bond ng Prime Water, mga butas sa JV agreement at kawalan ng insurance.
Ang Prime Water ay lumagda sa water supply and septage management system sa Marilao Water District noong Oktubre 2017 at nagsimula sila ng operasyon noong Enero 2018.
Sa unang taon ng kanilang operasyon, ini-report ng Prime Water ang distribution loss o non-revenue water na 36.12%, mataas sa maximum acceptable level na 30%.
Nagresulta ito sa “income opportunity lost” sa district sa halagang P50.505 milyon.
Kinuwestiyon ng COA ang tatlong probisyon ng JVA na hindi akma sa mga umiiral na batas at kulang sa guidelines.
Ito ang pagpapataw ng VAT sa mga residente ng Marilao kahit pinapatawan na sila ng franchise tax.
Pangalawa, ang taunang pagsusumite ng financial report na dapat ay gawin nang buwanan.
At pangatlo, ang hindi paglalagay ng probisyon na ang JVA ay kailangan dumaan sa audit examination.
‘Yan ang dahilan kung bakit mataas ang singil ng ‘crime’ ‘ester Prime water kompara sa mga water district dati.
At dahil sa mga butas na ‘yan, magreresulta ito ng karagdagang bayarin ng mga kostumer.
Mahihirapan din umano ang COA sa kanilang ‘visitorial powers’ at monitoring sakaling magkaroon ng underperformance.
Matagal nang nangako ang Prime Water na aayusin ang mga discrepancies na nasuri ng COA. Makikipatulungan umano sila at makikipag-dialogo sa Office of the President, sa NEDA, sa Local Water Utilities Administration, sa Bureau of Internal Revenue, sa Department of Justice, sa Department of Budget and Management, at sa Civil Service Commission.
E bakit matindi pa rin ang prehuwisyo ng ‘crime’ ‘este Prime Water sa mga residente ng Bulacan?!
Anyare ‘crime’ ‘este Prime Water!?
IMBESTIGAHAN
ISLAND COVE
ANIMAL ISLAND!
TOTOO ba itong narinig natin na umabot na raw sa 36,000 ang Chinese workers na ini-empleyo ang Island Cove Animal island na pag-aari ni Kim Wong na matatagpuan sa Kawit, Cavite?
Kompleto kaya ang working permits ng mga ‘yan?
Ang alam kasi natin ay hindi swak na mabigyan ng SWP (special working permit) ang mga tsekwang nagtatrabaho sa mga konstruksyon maliban na lang kung ang skill nila ay hindi angkop sa trabahong Pinoy?!
Hindi lang umano ang libo-libong kababayan nating Pinoy ang inagawan ng trabaho kundi maging ang “mangrove site” na karatig ng naturang isla ay inubos din para pagtayuan ng malalaking gusali upang gawing “sanctuario” ng offshore gaming?!
Wattafak!?
Anong klaseng kasalaulaan ito!?
Hindi lang binaboy ang nasabing isla kundi maging ang kalikasan ay nababoy din?!
Saan pa kukuha ang mga isda ng kakainin nila? Saan sila magkakanlong upang sila ay magparami?
Kung mawawala ang mga isda sa lugar na ‘yan, paano naman ang mga pobreng mangingisda na umaasa sa grasya ng karagatan?
Buong ecosystem ang nawasak dahil sa pakinabang ng ng mga negosyanteng ‘yan kapalit ang kabuhayan na inaasahan ng maliliit nating kababayan!
Bathalang mahabagin!
Kailan pa matatauhan ang ating Inang bayan? Ang ating gobyerno? Ang mga kinauukulan?
Kung kailan tayo ay tuluyang nasakop na ng mga singkit na ‘yan?
Dalangin natin na huwag sanang kalikasan ang maghusga sa kanila!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap