Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa Foton van, investment ninyo’y tiyak na sayang na sayang

SAPAK talaga sa kunsumisyon ang naranasan ng isa nating kabulabog sa pagbili niya ng isang Foton van.

Ang karanasan nga naman ng marami, kapag bumili ng sasakyan lalo’t brand new, ‘e abot nang hanggang limang taon na hindi sila makukunsumi.

Pero itong Foton van na nabili ng kabulabog natin, dalawang taon pa lang sa kanya, e bumigay na.

Ang siste nang kanilang ipinaaayos ang van, kailangan daw palitan ng piyesa. Noong maghanap sila ng piyesa, walang makita kahit saang outlet ng Foton.

Tama ba ‘yun?!

‘Yung Mercedez Benz, talagang matagal umorder ng piyesa no’n kasi manggagaling pa sa Europe, at iba husay ng kalidad.

Pero itong Foton, na ang manufacturer ay kapitbahay natin sa Asia, walang ipinadadalang piyesa sa Filipinas?!

Wattafak!

Parang ang gusto ng Foton, kapag sira na ang van, kahit hindi pa nasusulit ang halaga ng pagkakabili ‘e itapon na sa junk yard at bumili na ulit ng bagong van nila?!

Pero sabi ng kabulabog natin, he learned his lessons, kaya hinding-hindi na siya muling pagogoyo sa Foton.

Kaya babala rin natin sa ating mga suki, kung nag-iisip kayong bumili ng Foton van, e pagli­mian ninyo nang husto lalo na kung gagamitin ninyo sa hanapbuhay.

Naalala tuloy natin ‘yung isang kakilala natin na nag-van rental gamit ang Foton van, hindi pa tapos magbayad at halos wala pang tatlong taon ang van, hindi na maibiyahe, hayun nategas sa kunsumisyon.

Sumalangit nawa.

Sabi nga ng kabulabog natin, kung gusto ninyong mapaaga ang bakasyon ninyo sa lupa at sumalipawpaw agad, kumuha ng Foton van.

Libreng-libre ang kunsumiyon!

 

In bad faith talaga
‘MEGA SALE NG SM’
ISANG MALAKING
‘WOW MALI SALE’

MASAMANG-MASAMA ng loob ng isang misis dahil pakiramdam niya’y biktima siya ng pekeng marketing strategy ng SM mall nitong nakaraang weekend.

As usual, kapag may sale sa ibang mall or department store, magse-sale din ang SM. Minsan, it’s the other way around. Pero ang punto lang, may magaganap na sale.

Ang ibig sabihin po natin ng sale ‘e ‘yung from original price ay puwedeng maging 50% na lang or half the price sa original na presyo ng item.

E kung ganyan ang nasa ‘patalastas’ ng mga mall, sinong misis ang hindi  maeenganyong mamili, lalo na’t mayroon siyang inaabangan na item/s. 

Pero masama nga ang naging karanasan ng isang misis. Dahil natuwa siya sa murang presyo, namili nang namili siya.

Pero pagdating sa cashier, nagulat siya dahil hindi naman napa-punch ‘yung discounted price, ‘yung original price ang pumapasok. Nang sitahin niya ang cashier, ang sagot sa kanya, hindi raw iyon ang original price, nadikit lang daw ‘yung tag.

Sonabagan!

Nabiktima ba ng japeyks na marketing style si misis?!

Gusto nating isipin na ‘isolated case’ lang ang nangyari kay misis pero matagal na tayong nakatatanggap ng reklamo na ‘in bad faith’ ang marketing strategy na “sale” ng SM.

Hindi lang iilang beses na nabistong mas mahal pa ang bagong tag price — na supposedly ay sale, sa original na price ng isang item.

Masyado talagang nakasasama ng loob ang ganitong marketing strategy. Lumalabas kasi na harap-harapang niloloko ang mga customer.

Kaya kung mayroong sale ang SM at naengganyo kayo mga suki, isa lang ang tiyakin, magdala ng extra budget dahil baka mapahiya kayo dahil sa malaking, “wow mali mega sale.”

Paging DTI!   

     

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *