Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ang tunay na lihim ni Velasco

TALAGANG kakaiba si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco. Ang gimik niya ay palabasing malapit siya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Maging ang mga imbitasyon para sa mga bagong congressman mula sa Malacañang ay pinapalabas niyang opisina raw niya ang pinakiusapan ng Pangulo na tumulong.

Hindi tuloy makapagpigil si House Majority Leader Fredenil Castro na sabihing “political pickpocketing” o ‘pandurukot’ ang ginagawa ni Velasco. 

Ipinangangalandakan din ni Velasco na malapit siya kay Davao City Mayor Sara Duterte. Puro ganito lang ang maririnig mo kay Velasco dahil marahil wala naman siyang masasabing achievement o mga nagawa niya bilang mambabatas o maging sa pribadong buhay niya. 

Pero may isang tinatagong alas si Velasco: ang koneksiyon niya sa bilyonaryong business tycoon. Ang presidente at CEO ng isang higanteng kompanya.

Ang koneksiyong ito ni Velasco ay sa pamamagitan ng kanyang maybahay na si Wen. 

Ang siste, maraming isyung kinakaharap ang negosyante sa administrasyon.

Hinihintay lang niya na umusad sa Department of Transportation ang plano niyang magtayo ng bago at malaking paliparan.

Pero nay kinakaharap din siyang problema sa kanyang power companies na umano’y may bilyones na utang na ayaw bayaran ng tycoon.

Totoo ba ito?

Kaya hindi nakakapagtaka kung  kailanganin niyang na magkaroon ng matatag na mga kakampi sa Kongreso,  lalo sa Kamara de Representantes.

Maraming negosyo, ang sinasabing sponsor ni Velasco sa impraestruktura, semento, in­for­mation technology, at iba pa. 

Magagamit ng tycoon ang political con­nections para maprotektahan ang kanyang mga negosyo. Kaya naman hindi siya nag-aksaya ng panahon na alagaan  ang Nationalist People’s Coalition (NPC) na may mga kilalang miyembro sa Senado. 

Mas magiging malakas na puwersa kung may malaking impluwensiya rin siya  sa Kamara de Representantes. Ang pinakamabilis na paraan para gawin ito ay suportahan ang nag-aambisyong maging Speaker. 

At dahil malapit kay Velasco, kay ibinigay ang kanyang suporta. 

Kung magtatagumpay si Velasco bilang Speaker, laking tuwa sigurado ng kanyang sponsor.

Pero ang tunay na koneksyon ay si Mrs.

Kaya kung may ‘payo’ ang tycoon, sasabihin niya it okay Mrs. na ibubulong naman kay Lord.

Kung gayon, sino ba talaga ang Speaker?

 

DIGONG IBINUKO
SI ‘ALLAN’
SA TERM SHARING
KAY ‘ALAN’

PARANG sinungaling si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa harap ng  publiko matapos kompirmahin at idetalye mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nabuong term sharing sa House Speakership sa nila ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Velasco.

Unang kinompirma ni Cayetano ang konsepto ng term sharing upang maresolba ang gusot sa Speakership, sumang-ayon rito ang magkabilang panig at inaprobahan ni Pangulong Duterte ngunit kalaunan ay umatras si Velasco.

Sa gitna ng pag-amin ni Cayetano, pilit ang pagsisinungaling ni Velasco at nanindigang walang ganitong kasunduan.

Sa ipinalabas na statement ni Velasco sinabi niyang walang binanggit ang Pangulo sa term sharing.

“President Duterte never mentioned term sharing when he told lawmakers to decide among themselves who should be the next speaker,” nakasaad sa statement ni Velasco.

Sa isang ambush interview, idinetalye ni Pangulong Duterte ang katotohan at kung  kung paano sya nilapitan sa kanyang kuwarto sa Japan nina Cayetano at Velasco para talakayin ang term sharing. Napagkasunduan na mauupo si Cayetano nang 15 buwan at ang susunud na 21 buwan ay kay Velasco.

“Ganoon ang proposal. Pumayag na si Cayetano but si Velasco mukhang last minute nag-back out,” paglilinaw ni Pangulong Duterte.

Hati ang mga mambabatas sa isyu ng term sharing, may ilan ang tutol dahil sa usapin ng stability ng Kamara ngunit may ilan na pabor lalo at inexperience si Velasco para pamunuan ang 3-taon na buong termino.

Naniniwala rin ang political analyst na si Ranjit Rye na term sharing ang sagot sa isyu sa Speakership, aniya, magreresulta sa pagkahati-hati ng partido kung ipipilit na mamili sa pagitan nina Velasco at Cayetano na kapwa may mga kaalyadong kongresista.

Para sa kilalang political analyst sa sitwasyon sa Kamara, nararapat ang term sharing, hindi naman bago dahil nangyari ito sa 17th Congress nang palitan sa gitna ng termino ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang napataksik na si Alvarez.

E bakit nga ba ayaw pumayag ni Velasco sa term sharing?!

Ang gulo naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *