Friday , November 15 2024

Sa Speakership race… PDP-Laban solons nagkaisa para suportahan si Cayetano

HINDI man nila kapartido, nagpahayag ng suporta ang  mga kongresista mula sa partidong PDP-Laban sa pangunguna ni Rep. Ronnie Zamora, kasama sina Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II, Rep. Abraham Tolentino, at Rep. Dan Fernandez.

Nagsama-sama ang mga nabanggit na mambabatas upang ihayag ang kanilang buong suporta sa pagka-Speaker ni Taguig-Pateros congressman Alan Peter Cayetano.

Sa kasagsagan ng init sa karera sa bagong House Speaker, nagkaisa ang mga mambabatas sa PDP-Laban upang isulong ang pagka-Speaker ni Cayetano kahit siya ay mula sa Nacionalista Party.

Ayon kay Rep. Zamora ng Lone District ng San Juan, nagdesisyon siyang suportahan si Cayetano dahil alam niyang siya ang pinakakalipikadong tumayo bilang Speaker kompara sa ibang mambabatas na nagnanais mamuno sa House.

Sinabi ni Rep. Gonzales, mula sa Lone District ng Mandaluyong, ang kailangan sa Kamara ay hindi lamang malapit sa Presidente kundi mayroon din kakayahang mamuno, bukod pa sa magandang track record sa serbisyo publiko. 

Dagdag ni Rep. Tolentino ng 7th District ng Cavite, at Rep. Dan Fernandez, 1st District ng Laguna, naghayag ng suporta ang karamihan ng PDP-Laban solon para kay Cayetano dahil nais nila na ang mamuno sa Kamara ay taong mapagkakatiwalaan.

“Leading more than 250 independent-minded solons is not an easy task, it entails experience and competence,” wika ni Tolentino.  

Marami rin miyembro ng PDP-laban sa House ang nadesmaya sa lantarang pagbili ng boto ng ibang nagnanais na maging Speaker. Nangyari ito ilang linggo lang ang nakalilipas. 

Mas pinili nila na suportahan si Cayetano dahil naniniwala sila sa prinsipyo, integridad na isinusulong ni Cayetano, kaya naman malaki ang tsansa niya sa Speakership kahit hindi siya miyem­bro ng partido ng Presidente, saad ni Fer­nandez.

Naniniwala ang mga kongresista na madadala ni Cayetano sa mas maayos na kalagayan ang legislative agenda ng Pangulo dahil parehong nakalinya sa iisang direksiyon ang kanilang pananaw patungo sa maayos at komportableng buhay ng mga Filipino.

Magugunitang sinabi ni Sen. Manny Pacquiao, na tumayong campaign manager ng PDP-Laban noong nakaraang eleksiyon, handang suportahan ng PDP-Laban ang napipisil nilang kandidato sa pagka-Speaker kahit hindi kasapi ng partido basta suportado ng Presidente.

 

POLICE RETIREES NAKIKIUSAP KAY TATAY DIGONG

KABAYANG Jerry Yap, pakibulabog naman ang mahal na Pangulong Duterte na paki-release ang increase at salary differential naming police retirees. Kami naman kamo’y napakinabangan nang husto ng sambayanan. Buhay at sakripisyo ang aming ibinigay ‘di kaya dapat naman kaming gantimpalaan kahit karampot na pag-aalaala hindi puro aktibong wala pang pruweba? ‘Di ba di yata makatuwiran ‘yan kabayan?

+63950920 – – – –

SALOT SA NAIA T-2

GOOD evening sir Jerry. Patungkol po sa artikulo na naisulat ninyo sa nararanasan po namin sa NAIA terminal 2 na init, pasakit po talaga. Dagdagan pa ng isang tiwaling opisyal na walang ginawa kundi manghingi at mag-solicit, manggipit sa nasasakupan niya. Ang kapal ng mukha ng opisyal na ‘to, na tawag ay songa-swapang halos lahat ng concessioner, contractor e pinaghihingian. Siya ang totoong salot sa terminal 2. Sir Jerry sana maisulat ninyo ito nang malaman ng lahat na hindi maganda ginagawa ng opisyal na ‘to sa terminal 2. Hangga’t nanjan cya kawawa ang terminal 2.

+63906407 – – – –

 

PEKENG MEDIA NAGKALAT SA ISETANN RECTO

GUDEVE po. May tip po ako sa inyo. Marami po sa Isetann recto nagpapanggap na media.  At  nanghihingi po sila  sa mga peryaan. Madalas po sila tumatambay sa McDo Isetann Recto at ‘ung  iba po sa 5th floor po.  Matatapang pa po sila.

+63999185 – – – –

 

NASAYANG NA REHAB CENTER?

MAY lugar sa Coastal Road sa Parañaque na na-convert to drug rehab facility. Ngunit napaka­tagal na panahon na ay wala kahit isang nilalang na gumagamit. Sa eleksiyon lng ‘ata ginamit. Patirahan na lang sa mga natu2log sa lansangan.. LIZA A. SANTOS.

+63991430 – – – –

 

TUPADA SA BASECO

Sumbong ko lang po na may nangyayaring sabong dito sa Block 15-B Baseco Port Area Mla. tuwing araw ng linggo. Malapit sa simbahan ng San Nicolas de Tolentino at palengke salamat po.

+639086019 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *