Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DFA staff na ‘umayos’ sa diplomatic passport ni ex-Sec. del Rosario tiyak na ‘sabit’ — Sotto

NANINIWALA si Senate Pre­sident Vicente Tito Sotto III na may sasabit na tauhan ng Department of Foreign Affairs sa revalidation ng diplomatic pass­port ni dating secretary Albert Del Rosario.

Ipinaliwanag ni Sotto na malinaw sa Republic Act 8239 o Philippine Passport Act na ta­nging dating Pangulo at Panga­lawang Pangulo lamang ang maaaring i-revalidate ang diplo­matic passport at wala ng iba pang dating opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Sotto, nakasaad sa naturang batas na walang bisa ang diplomatic pass­port kapag ang isang tao na gumagamit nito ay dating kalihim at dating halal ng bayan.

Inihalimbawa ni Sotto, kahit silang mga kasalukuyang sena­dor hindi gumagamit ng diplo­matic passport hangga’t hindi kasama ang pangulo sa pagbisita sa isang bansa.

Pinayohan ni Sotto si Del Rosario na pag-isipan munang mabuti bago maghain ng protesta laban sa Hong Kong na gagamitin pa ang DFA ukol sa validity ng diplomatic passport ng dating kalihim.

Magugunitang pinabalik ng bansa si dating DFA secretary Del Rosario matapos harangin sa paliparan ng Hong Kong dahil invalid na ang diplomatic passport ng dating kalihim.

Giit ni Sotto, ginagawa rin natin ito sa ating paliparan na nagpapabalik ng mga dayuhang intsik na kahinahinala ang pasa­porte at iba pang dokumento.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …