Friday , November 15 2024

May pag-asa pa bang maisaayos ang POC?

MARAMING nanghinayang sa pagbibitiw kamakailan ni Ricky Vargas bilang presidente ng Philippine Olympic Committee (POC).

‘Irrevocable’ ang resignation na ipinasa ni Vargas sa executive board ng POC kaya’t wala nang pag-asang magpatuloy siya at maisulong ang mga repormang pinaplano niya para sa organisasyon. 

Noong Abril pa ay may senyales nang hindi komportable si Vargas sa kanyang puwesto sa POC.  Nasabi nyang hindi raw siya sanay sa kultura ng maruming politika sa organisasyon at ito sana ang gusto niyang baguhin.

Ang plano ni Vargas ay gawing “honest” at “less political” ang POC para makatuon sa mga  prayoridad na dapat na isinasagawa nito imbes maubos ang oras sa mga away-away at politika. 

Hindi sinabi ni Vargas sa kanyang resignation letter kung bakit siya nagbitiw. Ang sabi lang niya ay napagtanto niyang may mga iba pang “sports leaders” na mas maibibigay ang kanilang panahon at interes para maisagawa nang mas epektibo ang mga programa ng POC. 

Pero ang totoong dahilan ay hindi na masikmura ni Vargas ang intriga, politika, at korupsiyon sa POC na sa loob ng 13 taon ay pinagharian ni Peping Cojuangco.

Mahirap tanggalin ang ganito karuming kultura kung ganito na ang naging kalakaran sa loob ng 13 taong inabuso ni Peping ang posisyon niya sa POC. 

Ngayong wala na si Vargas, sino pa ang mga natitirang tapat, may integridad at prinsipyo sa POC para repormahin ang organisasyon? 

Si Congressman Bambol Tolentino, ang POC chairman, ang maaring magpatuloy sa mga repormang plano ni Vargas sa POC. Tulad ni Vargas, ang hangad ni Tolentino ay magkaroon ng pagbabago sa POC para maging isang tunay at epektibong instrumento sa pagpapaunlad ng estado ng sports sa Filipinas. 

Hindi nag-aksaya ng panahon si Tolentino at agad na kumilos para maisalba ang POC sa mga gustong manatili ang bulok na sistema.

Nagpahayag siya ng planong magpatawag ng special election para sa bagong presidente ng POC na balak niyang gawin sa General Assembly ng POC sa Martes, June 25. 

May kapangyarihan si Tolentino na gawin ito dahil sa ilalim ng Article 7, Section 6 ng POC by laws, maaring magpatawag ng eleksiyon ang chairman sa loob ng 30 araw simula nang maba­kante ang posisyon ng presidente kung ang dalawang vice president ng POC ay hindi kalipi­kado na umupong  presidente  ng organisasyon. 

Ayon sa POC by laws, ang presidente ng POC ay dapat na kasalukuyang presidente rin ng isang Olympic Sport-National Sports Association (NSA). 

Nakasaad din sa Article 7 Section 11 na ang presidente ay dapat na hindi bababa sa  apat na taong experience bilang NSA president ng isang Olympic sport sa panahon na siya ay mahalal na presidente ng POC.

Dapat din siyang aktibong miyembro ng POC General Assembly sa dalawang magkasunod na taon at dapat na nahalal mula sa kasalukuyang hanay ng mga  presidente ng NSA-Olympic sport. 

Si 1st vice president Jose Romasanta ay vice president ng NSA-volleyball, samantala si 2nd VP Antonio Tamayo ay presidente ng NSA-soft tennis, na hindi Olympic sport.

Kaya malinaw na hindi kalipikado ang dalawa para maupo bilang presidente ng POC. 

Gagawin ni Tolentino ang kanyang katung­kulan bilang chairman sa pagpapatawag ng eleksiyon para sa bagong presidente ng POC. 

Kailangang magtagumpay si Tolentino sa nararapat niyang gawin at maitawid ito mula  sa mga intriga, fake news, maruming pamomolitika ng ilang opisyal ng POC at Philippine Sports Commission na puro pansariling kapakanan lang ang iniisip. 

Wala na nga yatang pakialam ang ilang opisyal na kung magtagumpay ba o hindi ang Filipinas sa pagho-host ng Southeast Asian Games ngayong Nobyembre.

Basta ang pinangangalagaan lang nila ay kanilang sariling interes. 

Dapat makapaghalal ng isang matino, at marahil, kasing tapang ng Pangulong Digong para maituwid ang mga mali sa POC. Kailangan ni Tolentino ng isang matatag na kakampi sa loob ng organisasyon para matupad ang layunin ni  Taguig-Congressman elect Alan Peter Cayetano, ang chairman ng  Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, na gawing “best hosted and most viewed” ang SEA Games ngayong taon sa Filipinas. 

Higit pa riyan,  kailangan ni Tolentino ng kakampi para matigil na ang pamomolitika at korupsiyon sa POC.

  

Sa pag-atras
sa term sharing

VELASCO TINABLA
SI DUTERTE

PARA sa batikang political analyst na si Mon Casiple  may problema si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kung umatras sa term sharing nila ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na aprobado na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Casiple, kung aprobado na ni Pangulong Duterte ang panukalang term sharing at pumabor na rin ang isa pang kahati sa Speakership na si Cayetano ngunit biglang uma­tras si Velasco ay tila may problema aniya, parte ng maneuverings ng Speakership candidates ang ganitong mga hakbang kaya kung umatras si Velasco ay tiyak sa kanya babalik ito sa negati­bong paraan. 

“Possibly, gusto niya na mauna”pahayag ni Casiple.

Una nang inamin ni Cayetano na ang term sharing sa House Speakership na kanyang pina­bo­ran ay iminungkahi mismo ni Velasco pero nang sumangayon siya at maging si Pangulong Duterte ay  umatras si Velasco.

Matapos umatras sa term sharing ay naka­pa­nayam ng ANC News program si Velasco at sina­bi niyang hindi sya pabor sa term sharing dahil maaapektohan nito ang Kamara na sa gitna ng taon ay kinakailangan muling magpalit ng chairmanship at committee heads kasabay ng pag-upo ng kasunod na House Speaker.

Ngunit lumilitaw na hindi ito ang dahilan bagkus ang pag-atras umano ni Velasco ay dahil hindi nya nagustuhan na huli siya sa term sharing at mauuna si Cayetano.

Tinawag na tuso ng isang dating mambabatas si Velasco dahil sa ginawa niyang suhestiyon sa term sharing sabay atras nang hindi siya ang mauuna.

Sinabi ni 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro, bagamat walang problema sa term sharing kung ito ang nais ni Pangulong Duterte, mas malaki ang advantage kung iisang House Speaker ang mamumuno sa loob ng tatlong taon dahil mapapanatili ang stability ng Kamara lalo’t hindi papalit-palit ang chair­manship ng mga committee.

Matatandaan, sa 17th Congress ay nahati kina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang 3-taon termino ng Speakership ng Kamara matapos mapatalsik sa unang taon si Alvarez at humalili si Arroyo na nagkaroon din ng rigodon sa iba pang mga komite.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *