IPINAGDIWANG ang ika-158 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Filipinas na ginanap sa Museo ni Dr. Jose Rizal kahapon, 19 Hunyo.
Ipinanganak noong 19 Hunyo 1861 sa mag-asawang sina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso sa Calamba, lalawigan ng Laguna.
Nakiisa sa pagdiriwang ang iba’t ibang samahan sa bahagi ng Calamba, Laguna.
Ginanap ang sentro ng selebrasyon sa Rizal Shrine, na kinaroroonan ng bahay ng pamilya ng Pambansang Bayani.
Nagsimula ang pagdiriwang dakong 8:00 am sa pamamagitan ng pagtataas ng bandila na sinundan ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal.
Panauhing pandangal sa okasyon si Senator Cynthia Villar at mga lokal na opisyal ng Calamba.
(BOY PALATINO)